Chapter 25 - The Scythe

937 27 0
                                    

August 10, 2024 (6:00am - 0600 Hours)
Meredith's POV

Binuksan ko ang aking mga mata. Umupo ako pero blurry pa rin ang aking paningin. Nang naging malinaw na ang aking paningin, tiningnan ko ang oras sa alarm clock. Hindi ito nagring dahil Sabado ngayon. Automatic.

Pagkatapos nito, ay natandaan ko ang nangyari kagabi. Tumingin ako kung saan nakasandal ang scythe, pero nanlaki ang aking mga mata nang makita ko na wala na ito dun. Tumayo ako at hinanap ang sandata. Wala. Binuksan ko ang drawer, wala rin.

Shit...

Binuksan ko ang pinto at lumabas. Baka may kumuha nun. Bumaba ako at nakita ko na sina Dan, Hanz at Erwin na kumakain sa lamesa. Napansin nila ako at nakatitig silang lahat sakin. I was still in my pajamas.
"Look who's early!" Sambit ni Dan.

Sumali naman si Hanz, "Excited yata ka no sa first Saturday mo bilang Shadow!"

Tumawa silang tatlo. Pumunta ako sa kanila at nagtanong, "May pumasok ba sa inyo sa kwarto ko?"

Sinubo ni Hanz sa kanyang sarili ang isang piraso ng tinapay, "Wala namang security breach kagabi...may problema ba Mery?"

"Ah, wala naman...may, hinahanap lang ako!" Nagsinungaling ako.

Umakyat ako sa itaas upang hanapin ang nawawalang scythe. Iniwan ko na silang tatlo para kumain.

Hanz's POV

Kinagat ko ang tinapay na hawak ko. "Ano kayang problema niya?" Tanong ko sa mga kasama ko.

"Baka, nawala yung notebook niya!" Sagot ni Erwin.

Sumulpot si Dan, "Oh kaya nawalan ng bullet blade!"

Nagpatuloy muna kami sa pagkain. Inubos ko na ang Milo na kinutaw ko, pero hindi pa ako umalis. Tumingin ako kay Erwin.

"Siyanga pala, saan ka ba pumupunta Erwin...palagi ka na lang nawawala ah?" Naghinala ako.

Nabigla siya, "Ahh...marami kasi akong sinalihan na misyon eh! Staff sergeant na nga yung rank ko ngayon. At isa na naman akong level 19 Assassin!"

"Ganun ba?" Tumayo ako dala ang ininuman kong mug.

Linagay ko to sa lababo, at iniwan. Naisipan ko na lang magbihis muna para lumabas. May pupuntahan lang sana ako ng ilang sandali lang.

"Oh guys...mauna muna ako, may pupuntahan pa ako sa syudad" nagpaalam ko sa dalawang natitirang kumakain.

"Oh Hanz!" Sigaw ni Dan, "Bilhan mo nga ako ng Pain pills...ilalagay ko lang sa sofa ang pera. Kunin mo lang dun pagbaba mo!"

"Oh sige! Magbihis muna ako!"

Umakyat na nga ako sa aking kwarto at nagbihis. Pagbaba ko ay nakita ko ang pera ni Dan sa puting sofa. Five hundred pesos para sa isang bote ng pain pills. Tumingin ako sa kusina. Wala nang tao dun. Nagpatuloy na lang ako sa labas, at sumakay na ako ng taxi.

Matapos ang limang minutong biyahe, bumaba ako sa kotse. Pagkatapos kong iabot ang pasahe sa driver, hinarap ko ang isang maliit na bahay. May mga bakod na gawa sa kahoy, at isang hardin sa harap ng porch. Gawa sa semento ang bahay. Simple lang ito, at kulay yellow yung pintura. Pumasok ako sa gate.

Pagdating ko sa pinto ay kumatok ako. Naghintay ako ng ilang segundo at kumatok ulit ako.

"Sino po sila?" Narinig ko ang pamilyar na boses.

Sumagot ako, "Si Hanz to! Gusto lang sana kitang kausapin!"

"Hanz?"

Narinig ko ang pagbukas ng ilang lock mula sa loob. Bumukas na ang pinto at lumantad ang mukha ni Maya. Gulat na gulat siya matapos niya akong makita sa kanilang bahay.

Rosethorn AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon