Chapter 4 - Welcome to Tolevo

2.5K 63 0
                                    

August 4, 2024

Nakatingin ako sa dalawang Shadows. Nagdududa ako kung dapat ba akong magtiwala sa kanila. Hindi pa ako makapaniwala na may kakaiba daw akong kapangyarihan. Wala nga akong maalala kung paano ko nakuha ang ganitong powers.

I was wondering how the Shadows got these. Hindi talaga ako fan ng panig nila. Ang alam ko lang, sila yung nagpatigil sa Demon Wars.

"Saan niyo ba nakuha ang ganitong mga sasakyan?" Tanong ko sa batang heneral.

"Reignegade Inc was the main sponsor of all the Shadow Schools around the world. Ang aircraft na ito ay nanggaling sa ibang planeta" Dan explained.

"Ano? Ibang planeta?" I was bothered.

"Malalaman mo rin lahat pagpasok mo sa Shadow school! Gusto mo man o hindi" Hanz looked down at his phone.

Tumingin ako kay Erwin. Nakatitig siya sa labas ng aircraft. Bigla nalang siyang sumigaw, "Hoy! Diba WARSA yung nadaanan lang natin? Nakita ko kasi sa labas ng bintana! Ang laki ng campus!"

"WARSA?" Medyo na o-OP na ako.

"Oo. Nasa ilalim na nga natin iyon. Kung gusto mong malaman Meredith, ang Warsa ay ang capital Shadow school ng buong Pilipinas. Nandoon ang mga magagaling na Shadows gaya ni Blue Rose" Paliwanag ni Dan.

"Eh Ba't hindi dun nalang nyo kami ipapasok? Mukhang mas ligtas pa nga dun eh" I complained.

"You don't understand Meredith!" Hanz added, "What we want for you is to learn how to defend yourself. Not let others defend you"

"Gusto kong maging Guardian, ba't niyo ba ako dinukot?" I frowned.

"Muntik ka na nilang patayin Meredith! Gusto ka ngang ikuryente ng isa sa kanila, pero buti nga at lumabas pa ang totoong anyo mo" Galit nagpaliwanag si Dan.

Napatigil ako sa pagtanong. May dinugtong pa si Dan, "Pasensya na Meredith. Pero bago umalis ang mentor ko...inutusan niya akong hanapin ka"

"Ano? Sino naman yung Mentor mong yan?"

Biglang sumulpot si Erwin, "Si Mark-"

Tinakpan ni Dan ang bibig ng kaibigan ko at may binigay siya sakin na photo. "Siya...kilala mo ba siya?"

Tiningnan ko ang picture na pinakita niya. Nakita ko si Dan. Mukhang hindi pa mataas ang posisyon niya dito. Malaki pa ang ngiti niya dito, pero hanggang ngayon ay cute pa rin siya. Sa tabi niya ay isang matangkad na lalaki. Unlike Dan, hindi brown yung mga mata niya, but blue. Gray ang buhok ng katabi niya at hawak niya ang malaking espada na umiilaw ng ginto.

"Ito yung Mentor mo?" Tanong ko.

"Kilala mo ba siya? Si Mark Yaeger?" Iba yung sagot niya.

"Hindi..." Parang nawawala yung boses ko.

Parang nainis si Dan. Tahimik siyang nagsalita, "Bwesit!"

Na-bother ako, "Ano?"

"Wala...wala lang" yumuko na siya matapos nun.

Nagtataka ako kung bakit ganun ang reaction niya matapos akong sumagot ng Hindi. Kakausapin ko pa sana siya pero biglang nagsalita ang pilot through a speaker, "Please be advised...we are about to land on Rosethorn Academy's Practical Arena. Prepare yourselves for our arrival. And, Welcome to Tolevo General Dan and Commander Hanz"

Lumayag na ang aircraft. I felt that downwards force that makes you feel like you're being lifted up, pero pagtapak ng aircraft sa lupa ay parang hinihila ako pababa.

Binuksan na ni Dan yung pinto na nasa tabi niya, "Sige, lumabas na kayo at maghintay diyan sa corridor ng building!"

Bumaba kami mula sa aircraft. We passed by under its left wing but tried to avoid the thruster releasing hot air directly below the ground.

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now