Chapter 63 - Breaking Out

419 14 0
                                    

Dan's POV

Ramdam na ramdam ko na ang panganib sa labas. Hindi ko na kaya. Kailangan ko nang lumabas. My senses are reacting in a very strong way.

Iniba ko ang anyo ng aking kanang kamay. I morphed it into a demon's arm, and I started to punch the glass that's imprisoning me. Paulit-ulit ko itong sinuntok, pero wala pa ring nangyayari.

"GUMANA KA NAMAN!"

This time, I morphed my left hand. Umapoy ito at lumabas ang kamay na may demon scales na. Sinusuntok ko na ang glass gamit ang aking dalawang matitigas na kamao. Yumanig ang buong prison cell. Yayanig ito sa kada tama ng aking mga suntok.

Uminit na yung ulo ko habang lumalakas ang pakiramdam na may masama talagang nangyayari sa labas.

"PALABASIN NIYO NA AKO DITO!"

Hindi ko na natiis. Pinalabas ko na ang tanang galit ko at ang buong katawan ko na ang nag-ibang anyo. The inside of the prison exploded as I turned into a full demon. I was in full Hellmorph form. Sumigaw ako ulit habang sinimulan na naman ang pagsuntok sa glass.

Pinatipo ko ang lahat ng energy sa aking kanang kamay. Naghintay akong umapoy ito, at nangyari na nga pagkatapos ng isang minuto. Sinuntok ko ang glass gamit ang umaapoy na kamay. Lumabas ang malakas na pagsabog mula sa aking kamao matapos itong tumama. Sa wakas ay narinig ko na ang pagcrack nito.

Tinadyakan ko ang crack at lumaki ito. Pinaapoy ko na naman ang kaliwang kamay at sinuntok ulit ang crack. Mas lumaki pa ito. Umatras ako ng ilang metro habang nakaharap na sa crack. Sumigaw ako ng malakas. Halatang iba na yung boses ko. Umapoy yung buong paa ko at sa unang tapak pa lang ay sumabog na ang ilalim nito upang mapabilis ang pagtakbo.

I readied my right fist, and as I ran in the speed of light, I punched the glass as I made contact with it, and together, I slammed my whole body against it. Nabasag ito, and I went through it like a bullet through thin plywood.

Bumagsak ako sa sahig matapos kong banggain at basagin ang aking kulungan. Tumayo ako agad at dumeretso sa elevator. Hindi pa ako nag-anyong tao ulit. Tumingin ako sa dalawa kong kamay. Mas malaki pa ito kesa sa ordinaryo kong kamay, at ang balat nito ay parang bakal. Matulis din ang mga kuko nito, pati na rin ang mga kamao ko.

Dumating na ako sa ibabaw, at isang makapal na bakal na gate naman ang humaharang saking daan. Napansin ko ang isang camera. Agad akong gumawa ng apoy sa aking kanang at binato ito sa nakasabit na device. Sumabog ang camera at umitim ang pader kung saan ito nakasabit.

Hinawakan ko naman ang metal gate, at kinast ko ang Gate Buster spell. Sumabog ang aking palad at tumalsik palayo ang gitnang bahagi ng gate. Lumusot ako sa butas kung saan saktong kasya ang aking buong katawan.

Lumiko ako pakanan at nadatnan ko ang tatlong sundalo na nakatayo sa gitna ng hallway. Dala nila ang kanilang mga baril.
"Wag kang gumalaw, o papatayin ka namin!" Sigaw ng isa sa kanila sakin.

Hindi ako nakinig. Patuloy akong naglakad. Hindi ko sila pinansin, pero tinutok na nila ang kanilang mga baril sakin saka nagpaputok. Tumama ang mga bala saking balat, pero hindi ito tumalab. Bumagsak ang mga bala sa sahig at patuloy lang akong naglakad.

Nang mapansin nila na hindi ako nasaktan, huminto sila sa pagbaril sakin. Dinaanan ko sila sabay sabi, "Umalis nalang kayo. May problema pa akong kailangang harapin sa labas!"

Naiwan silang nakatitig sakin. Wala lang mang isa ang nagsalita sa kanila hanggang sa nakalabas na ako ng prison. Pumunta ako sa rear exit, naging tao ulit, at ninakaw ko ang isang motorsiklo. Lumabas ako agad at dumeretso sa Ralandan.

Mula sa daan pa lang papunta dun ay nakikita ko na ang mga airships ng Guardians na lumulutang sa ibabaw ng syudad.

"Napasok na nila ang Ralandan! Kailangan ko silang tulungan!"

Binilisan ko pa ang takbo ng aking sinasakyan upang maabutan ko sila ng maaga.

Rosethorn AcademyOnde histórias criam vida. Descubra agora