Rosethorn Academy: A Fallen Fantasy Story

9.2K 175 0
                                    

Dumating ako sa tabi niya. Hawak niya ang isang bagay. Nakangiti pa rin akong tumingin sa araw na dahan-dahang lumulubog. Humahaba ang aming mga anino sa likod namin.

"Nandito ka na pala?" Tanong ko sa kanya.

Hindi ko inalisan ng titig ang lumulubog na araw. Sumagot siya, "Diba nakikita mo naman ako? Anong klaseng tanong ba yan?"

Tumawa ako, "Pasensya ka na kung nalate ako. May binalikan lang kasi ako!"

Naramdaman namin ang paghampas ng hangin sa aming mga mukha. Pinagmasdan lang namin ang mapayapang paligid. Naririnig naman namin ang awit ng mga ibon.

"Ang tagal na nating di nagkita no?" Sabi ko sa kanya.

"Oo nga. Ang tagal na noong huli nating pagkikita!"

Natahimik ng ilang minuto. Kada ihip ng hangin napapahinto ang aming usapan. Nagpatuloy kami.

"Siya pa ba rin ang hinahanap mo?" Simula ko.

Tumingin siya sa ibaba, "Sayang naman kung iiwanan ko na lang siya ng ganun. Mahal ko siya, at alam kong nasa labas lang siya, gumagala kahit saan"

"Ba't mo ba nasabi yan? Hindi naman tayo sigurado!"

"Mahal ko siya. Mahal rin niya ako. Nagkahiwalay lang kami dahil sa malaking problema, pero alam kong mahal pa rin niya ako!"

"Hehe...inuunahan mo na ba ako?"

"Sabihin nalang natin na Oo...balang araw, mahahanap ko rin siya at mababalik ulit ang mga masasaya naming karanasan" tumingin siya sakin.

"Ang astig mo talaga" mahina kong sinuntok ang likod niya, "Basta, wag ka lang mawalan ng tiwala ha? Mahahanap mo rin siya balang araw!"

"Talagang mahahanap ko siya! Gagawin ko ang lahat, sa ngalan ng pag-ibig!"

Rosethorn AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon