Meredith's Shards #3

539 21 0
                                    

September 15, 2024 - 2:34 AM

*
*
*

Nasa panginip na ako ni Lina matapos kong pinikit ang aking mga mata. Imbes sasalubungin ako ng pulang desert storm, ay kalma na ang lagay ng panahon sa panaginip na ito. Pinadilim pa rin ng mga ulap ang lugar, pero marami na akong nakikita dahil sa pagkawala ng fog, usok, o dust clouds.

"So nahuli ka na nila?" Tanong ni Lina sakin habang lumapit ako sa kanya. Nakaupo siya sa ibabaw ng isang sirang kotse.

"Pa'no mo ba nalaman?" Binalikan ko siya ng tanong.

Ngumiti siya, "Nasa'yo ang dugo ko. Ang scythe kong nasa iyo ay ang dugo ko. We have a connection where our memories our shared!"

Napaisip ako sa sinabi niya, "If we share memories, bakit wala akong alam sa mga memories na nasa isip mo?"

"That's the problem. You know why I keep appearing to you in a dream?" Lumingon siya sakin. Hindi ako nakasagot, kaya nagpaliwanag siya, "Nagpaparamdam ako sa iyong mga panaginip dahil may gusto akong ipaalaala sa iyo. If I were allowed to go out of hiding, mababalik ang lahat sa isang hawak ko lang sa ulo mo!"

"So sinasabi mo ba, na talagang may iba sa history ko?"

"Oo. If you remember our previous conversations, try to analyze every statement I gave you. They are clues!"

"Pasensya na pero nakalimutan ko ang lahat. Ano nga po ulit ang mga iyon?"

"Our past wounded you in these dreams. And your scars in reality have something to do with our past!"

Natahimik ako. I memorized the line so I wouldn't forget about it again.

"Naiintindihan kita kung nakalimutan mo ang mga sinabi ko sayo," bumaba si Lina sa itaas at tumalon sa harap ko, "That's natural. A person dreams, and once she wakes up, those dreams will easily be forgotten. I will always appear to you in a dream until you figure things out. It is my job to help cure you and remind you every time we meet."

"Remind me of what?"

"Of the clues of who you really are!" Tinalikuran niya ako at tumingin sa madilim na langit.

Tumabi ako sa kanya, "Sino ba talaga ako sa palagay mo?"

"Isa kang mabuting kaibigan na may pusong ligaw. Hinahanap ka ng isang tao, na matagal nang naghihintay sayo!"

"Ano?"

"Meredith," pinatong niya ang kamay niya saking balikat, "I'll tell you everything right away, if you'll find out one secret about yourself. All it needs is a knife to your skin!"

"Knife to my skin?" I was confused, "Isa ba yang clue, a riddle?"

"Hindi. I'm talking about it, literally. If you could remember this dream by the time you wake up, alam kong hahanap ka ng isang kutsilyo at susugatan mo agad ang iyong sarili."

"What if, sasabihin mo sakin lahat, ngayon agad? Hindi ba pwede?"

"Now's not yet the time. I can sense it. Kailangan mo pang makalaya bago sasabihin ang totoo."

"Pano naman ako makakaalis dito? Wala na nga akong pag-asa!"

Ngumiti siya sakin at nagpayo, "Alam kong may mabuti kang mga kaibigan Meredith. At alam ko ring hindi sila titigil hanggang mahahanap ka nila! Pasensya na, pero time's up!".

"Wait...teka lang po-"

*
*
*

Gumising ako sa totoong buhay at hindi ako nag-isip ng ibang bagay. Inalala ko ang sinabi niyang knife to my skin. Sana hindi ko to malilimutan. It might hold the key to the next door.

Rosethorn AcademyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora