Chapter 60 - Curiosity

445 12 0
                                    

December 1, 2024 (0900 Hours)
Meredith's POV

Naglalakad lang kami ni Hanz sa gitna ng isang gubat sa Talisair City. Isa itong unowned area pero dinadayo pa rin ito dahil sa kagandahang nakatago sa loob ng gubat.

Pagkatapos ng mahabang paglalakad ay umupo muna kami sa isang natumbang puno at tumingin sa burol na punong-puno ng mga halama't puno. From our view, makikita namin ang isang ilog sa ibaba. Matahimik ang paligid at walang masyadong tao. It's the kind of place that you'd want to stay after all the madness.

"Ang ganda dito no?" Tanong ni Hanz sakin, "Siguro someday, bibilhin natin ang lupang ito at magpapatayo tayo ng bahay. It's a good place to start our family!"

Tumingin ako sa kanya at ngumiti, "Good idea mahal. Gagawin natin iyan kapag matatapos na ang lahat ng problema natin!"

He kissed my forehead. I snuggled to his chest as we enjoyed the view more.

"Mery, nasugatan ka na ba simula nung unang beses tayong nagkita?"

Tumingin ako sa kanya matapos ang biglaang pagtanong sa ibang topic. Sinagot ko siya, "Mga konting galos lang naman, pero wala pang kahit isang malaking sugat akong naranasan!"

His smile was unsure, "Buti nga. Don't worry, curious lang kasi ako!"

Nagtaka ako kung bakit niya ako tinanong tungkol sa topic na iyon. Speaking of wounds, ano ba ang kinalaman ng isang sugat sakin? Nung araw na pinatay si Erwin, may sinabi si Todd about wounding me to find out the truth, but what truth exactly.

"Hanz?" Gumanti ako, "Bakit ka ba nagtanong tungkol diyan?"

Hindi ako nakatanggap ng sagot ng limang segundo. It's like he was hesitating to answer me. Finally, sinagot na niya ang question pero nahihirapan siyang sabihin ito, "Di ba sabi ko curious lang ako?"

"Yan nga...what are you curious about?"

Kinamot niya ang kanyang ulo, "Well...basta..."

I wasn't satisfied. Kumuha ako ng isang matulis na stick at pinakita ko ito sa kanya, "Then let's find out together!"

Naiwan siyang nakatitig sa matulis na bagay at hindi siya gumalaw. After staring at it, kinuha niya ito mula sa aking kamay at binato palayo samin.

"Alam mo, kalimutan nalang kaya natin 'to!" Hinawakan niya ang kamay ko at nagpatuloy na kami sa aming hiking trip.

***(2200 Hours)

Pagkatapos ng hiking namin ni Hanz ay bumalik na kami sa hotel na tinutuluyan for the week. Wala kasing pasok for two weeks dahil sa isang misyon na para sa mga high ranked Shadows only, at ginagamit pa nila ang paaralan for confidential purposes.

I placed our bags on the wardrobe, habang nakaupo si Hanz sa kama, tinatanggal ang kanyang suot na sapatos. Pagkatapos niyang tanggalin ang suot sa paa ay diretso siyang humiga.

"So saan ba tayo papasyal mamaya?" Tinanong ko siya habang inaayos ang aking buhok.

"Sa SM Seaside siguro. Malapit lang naman yun dito!" He replied.

Umupo ako sa kama at hinila ko ang kanyang buhok. Nasaktan siguro siya sa aking ginawa kaya kinuha niya ang aking kamay at kinagat ito bilang paghiganti.

Tumawa ako habang kinikiliti sa kanyang kagat, "Huwag....baka magiging zombie ako dahil sa virus mo!"

"Ang sakit naman ng joke mong iyan," pinahiran niya ng panyo ang aking kamay and he reasoned, "The virus in me was made to give powers, not to spread and infect!"

"Joke lang naman eh," humiga ako sa kanyang tabi, "Ang KJ mo naman mahal!"

Tumawa siya while brushing my hair, "Alam ko. Alam ko. Nagbibiro lang naman din ako Mery. You're jokes are the best!"

"Talaga? Eh bakit hindi ka tumatawa sa mga jokes ko?"

"Natatawa kaya ako. Hindi mo lang nakikita!"

Tumitig ako sa kanyang mata. Hinawakan ko ang kanyang pisngi at pinilit ko siyang tumitig sakin. Lumapit siya sakin at hinalikan niya ako sa labi. I went on top on him and I tried to undress myself. He was about to remove his t-shirt, pero patuloy pa rin siya sa paghalik sakin.

He pushed me to the side and now he's on top of me. He kissed my neck and I felt that tickling sensation. The moment was supposed to go on, pero bigla nalang nag-ring yung phone ni Hanz. Tumingin kami sa kanyang telepono at nakitang si Aimee pala ang tumatawag. Binaba niya ang nakataas na t-shirt, na pinapakita noon ang kanyang abs, and he started to murmur.

"To be continued, I guess," tumawa ako sa kanya habang inaayos ang aking blouse na muntik ko nang mahubad.

"We're not done yet, tandaan mo iyan!" He joked. Pumunta siya sa balkoniya at dun niya sinagot ang tawag.

Sumunod ako sa kanya at nakinig ako. Naririnig ko ang boses ni Aimee, but I couldn't make out the words. Nawala ang saya sa mukha ni Hanz pagkatapos ng ilang minuto sa kanilang pag-uusap.

Pagkatapos ng convo nila ay tumingin siya sakin, "Sa tingin ko tapos na yung vacation natin!"

Pinasok niya sa bulsa ang cellphone niya at sumunod ako sa kanya sa loob. Tinanong ko siya, "Bakit, may problema ba?"

"Akala ko nangangamusta lang, pero sabi nila kailangan na daw nating bumalik sa Tolevo. May ipapagawa sila sa ating dalawa!"

"At ano naman ang gusto nilang gawin natin?"

"Hindi niya sinabi. Inutusan lang niya tayong bumalik na ng maaga. Ngayon na daw!"

Nawala yung mood ko dahil sa utos, "Sayang naman. We're supposed to be enjoying our stay already!"

"Don't worry," inakbayan niya ako, "I promise I'll find time for us!"

*
*
*

Aimee's POV (2300 Hours)

"PUT THAT ONE ON THE MAIN SCREEN NOW!" Sigaw ko sa isang sundalo na nasa harap ng computer.

Lumabas sa screen ang live video feed mula sa isang scout namin dun sa Maynila. Nakikita namin ang mga higit tatlumpung Guardian Gunships, fifty transports at tatlong flagships. Ang mga flagships ay mas malaki pa kesa sa mga maliliit na gunships. Sila ang commanding vessels ng isang airship unit. Mas malakas pa ang mga cannons nito.

"Alamin ko kung saang direksyon sila papunta!" Utos ko ulit sa kanila.

Lumabas ang isang radar sa ibang dulo ng screen. Nakita namin ang kanilang signature na kulay pula. Papunta ito sa south.

"Saan kaya sila aatake?" Tanong ko lahat na nasa loob ng command center.

"I think the real question is commander, why are they attacking?" Nagsalita ang isang import mula sa England.

My eyes widened and I screamed to the whole room, "Meredith.....SEND THIS TO WARSA. I WANT EVERY SHADOW THERE TO DISPATCH FOR TOLEVO!"

"Pero nasa Talisair sina Meredith ngayon, bakit sa Tolevo?" Nagtanong ang isa pang tauhan.

"It's the only place where they'd knew Meredith would come back. Plus, inutusan ko silang bumalik dun dahil may sasabihin sana ako. Dadating sila mamayang gabi dun sa Tolevo via Thrusterwing. I want guards to greet them on their arrival too! Hindi man tayo sigurado kung saan sila sasalakay, but our top priority is the member of the Triple Six!"

"Copied. I'll contact our assets right now!" Sinunod ng British staff ang aking utos at agad humarap sa kanyang computer.

"Commander, we have estimated the enemy's arrival time. It would reach about to six hours!"

"Hurry them up. Time's wasting!" Kinagat ko ang isang daliri habang nakatingin sa malaking screen. Naalala ko ang babala ni Dan. He was right. He has manifested Mark's ability to make contact with the souls of the dead, and I didn't believe him. This is going to be big trouble.

Rosethorn AcademyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz