Chapter 40 - GHOST Ops

556 16 0
                                    

September 15, 2024 (0500 Hours)
Erwin's POV

Nakapasok na ako ng gubat ng Insurgence. Ilang minuto na ang lumipas mula nung dumating ako rito. Naglalakad ako sa ilalim ng mga matataas na puno kung saan ko naririnig ang nga ingay ng ibat-ibang uri ng hayop.

Hawak ko sa kanang kamay ang isang shadow blade. Sa kaliwa naman ay isang pistola na may suppressor (silencer). Patuloy akong naglakad ng tahimik. Baka marinig ako ng mga halimaw na nakatira dito. Kapag makikita ako ng kahit isang halimaw ay kailangan ko nang gumamit ng Shadowmeld para tumakas. Isa itong common, pero mahirap na spell kung saan magiging invisible ang mga Shadows. In every second you are invisible, it'll cost you mana.

Narating ko na ang isang ilog, kung saan dumadaloy ito pababa ng bundok. Ramdam ko ang lamig kahit makapal ang mga suot kong damit. Umaakyat na ang makakapal na fog sa langit lalo na ngayong madaling araw. May nakita akong mga bato. Tumapak ako sa mga ito para makatawid sa kabila.

Pagkatapos kong tumawid ay may narinig ako. Agad akong nagcast ng Shadowmeld at nawala ako sa gitna ng ere. Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating ang isang malaking halimaw. Iso itong Canine-type 2 Biomorph. May anyo ito ng lobo, pero walang balahibo at parang nabubulok na yung katawan. Nakikita ko nga ang mga ribs na lumalabas na mula sa balat nito. Mas malaki pa to sakin. Kaya akong patayin nito sa isang kagat lang. Umalis ako agad para makaiwas. Nag-ingat ako sa aking matatapakan dahil baka marinig ako at masundan pa ng halimaw na iyon. Sigurado namang hindi ako maaamoy nito dahil ilang metro naman ang layo ko.

Nakalayo na ako sa ilog at pumasok na naman ako sa ilalim ng mga puno. Marami na ang mga balete na pumapaligid sakin. Tinigil ko na ang Shadowmeld dahil nahihilo na ako. Muntik na akong maubusan ng mana. Kinuha ko ang holotab ko at tumingin sa mapang binigay sakin ni Aimee. Malapit na ako sa main entrance ng base. Naglalakad ako habang nakatingin sa aking device, nang bigla nalang dumikit ang aking paa sa isang bagay. Muntik na nga akong madapa dahil dito. Tiningnan ko ito. Para itong makapal na tali na gawa sa glue. Pinuto ko ito gamit ang mahabang kutsilyo.

Natanggal na ito muka sa aking paa, pero pagtingin ko sa daan ay nanigas ako. The forest was filled with gigantic spider webs.

Shit...

Sinubukan kong mag-Shadowmeld pero may nahulog nang katawan sa harap ko. Umilaw ang mga pulang mata nito sa gitna ng gubat. Matutulis ang dulo ng walong paa nito. Napaatras ako dahil sa malalaking pangil ng halimaw na gagamba. Tumalon ito papunta sakin habang nakabukas ang malaking bibig. Agad akong tumalon sa kanan at nakaiwas. Tinutok ko ang aking baril sa ulo nito at nagpaulan ng bala. Tinamaan ito ng ilang beses sa ulo. Sumabog ang mga mata nito matapos tumama ang mga bala.

The creature shrieked, and it tried to strike me with it's long, slender legs. Umiwas na naman ako. Nung napansin ko na hindi na ito nakakakita ng maayos, I knew it was my chance to strike. Tumakbo ako. Tumalon at tinadyakan ang isang puno para mas lalo pang mapataas ang talon ko. Binaril ko ang ulo ng gagamba habang nasa himpapawid. Nung malapit na akong tumama sa ulo, agad kong tinaas ang aking kutsilyo at sinaksak ang ulo ng halimaw. Sumigaw na naman ito. Hinigpitan ko pa ang pagkapit sa aking kutsilyo na nakasabit na sa gagamba. Paikot-ikot ito na parang nababaliw at bumangga sa ilang puno. Muntik na akong mahulog. Gamit ang kaliwa kong kamay, tinutok ko ang baril sa ulo nito at binaril pa ng ilang beses.  Tumalsik ang dugo nito habang isa-isang tumama ang mga bala. Ilang ikot pa ay sa wakas, huminto ang halimaw at bumagsak sa lupa. Tinanggal ko ang aking kutsilyo at tumingin sa malaking gagamba. Kasinlaki nito ang isang bus.

Narinig ko ang sigaw ng ilan pang mga halimaw. Agad akong tumakbo papunta sa entrance. Kinuha ko ang aking holotab at tumingin sa map. Malapit na ako. Ilang takbo nalang ay mararating ko na ang aking destinasyon.

Tumatakbo ako nang marinig ko ang ingay ng isang aircraft. Huminto ako at gumapang sa lupa. Narinig ko ang pagdaan ng isang helicopter. Tumingin ako sa itaas at nakita ang dalawang sumunod pa. Siguro papunta na sila sa pinatay kong halimaw upang tingnan kung sino ang may kagagawan nun. Nang mapansin ko na nawala na yung ingay ay tumakbo na naman ako. Sa wakaw ay narating ko ang isang burol. May malaking blast gate sa paa ng maliit na bundok. May dalawang guard towers namang pumapagitna ng gate.

Nag-Shadowmeld na naman ako at tumakbo papunta sa pader ng isa sa mga guard tower. Kinuha ko ang aking holotab at binasa ang susunod na gawin.

Matapos kong basahin ang mga detalye ay kinuha ko mula sa bag ang dalawang piraso ng gadgets. Dalawa para sa kamay at dalawa naman para sa paa. Sinuot ko ang mga ito at hinanda ang sarili. Nagpahinga muna ako ng ilang sandali para makapag-Shadowmeld na naman ako ulit. Pinindot ko ang ilang features ng holotab at bumulong, "RAID, Scan mana available for a thirty foot ninety degrees climb!"

Sumagot ang artificial intelligence ng tab, "You have 53% of mana available. Mana required to do Shadowmeld on a thirty foot, ninety degree climb is 47%. You can proceed!"

Sakto lang yung yung mana na kailangan ko. Hinawakan ko ang simento at dumikit ang device na suot ko na parang magnet. The same happened for the device on the tip of my shoes. Umakyat ako pataas habang naka-Shadowmeld. Hindi nila ako makikita. Dumating ako sa itaas at nakita ang dalawang sundalo. Pumasok ako sa butas para sa mga baril, at pumunta sa likod ng isang sundalo. Sinaksak ko ang leeg nito at binaril naman ang isang nakatalikod sa kabila. Sabay silang natumba at linigpit ko agad ang kanilang mga katawan. Nakita ko ang ladder na pababa, papunta sa loob ng underground base. Bago ako bumaba, chineck ko muna kung kumpleto ba ang aking mga gamit. Everything was complete. Tiningnan ko muna ang Ammo Cloning Magazine ng baril ko. It was fine. Everything is. Hinubad ko ang uniporme ng isa sa mga sundalong pinatay ko at sinuot ito. Nakuha ko ang isang key card at isang radyo. I was ready. Bumaba na ako ng ladder. Next stop, Meredith's Prison.

Rosethorn AcademyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora