Chapter 29 - Worries

854 27 0
                                    

September 1, 2024(2300 Hours - 11:00pm)
Meredith's POV

Isang oras na lang, at dadapo na ang araw ng katotohanan. Bukas na kasi kami aatake sa Rosethorn, pero bago namin to isagawa ay ibe-brief muna kami ni Dan tungkol sa plano. Hindi nga ako makatulog dahil dito. Iniisip ko si Hanz. Iniisip ko ang kaligtasan niya.

Ilang minuto na ang dumaan, at hindi ko na talaga natiis. Umalis ako ng kwarto at pumunta sa pinto ni Hanz. Kinatok ko to, at naghintay. Maya-maya pa ay binuksan na niya ito.

"Oh Mery? Bakit...anong problema?"  Tanong niya.

"Pasensya na ha, pero...hindi kasi ako makatulog eh..."

"Ako nga eh...tungkol ba to bukas?"

"Oo...marami kasi akong iniisip."

Kinuha niya ang kamay ko. Hinila niya ako palayo ng mga kwarto namin at dinala niya ako sa baba.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

Tumingin siya saking nakangiti, "Basta...pampaalis ito ng mga iniisip natin!"

Lumabas kami ng bahay at lumantad na naman ang mga magagandang bulaklak. Mga rosas lang na kulay asul ang sumakop sa buong front yard.

"Ano bang gagawin natin dito Hanz?" Nagtaka ako kung bakit niya ako dinala dito.

Tumawa siya, "Hindi tayo dito. Nakapunta ka na ba sa backyard?"

"Hindi pa," sagot ko, "Bakit ba? Ano bang meron dun?"

"Basta," ngumiti siya at patuloy kaming naglakad.

Dumaan kami sa isang maliit na daanan sa gitna ng mga tanim at rosas. Naglakad kami ng ilang sandali, at lumiko kami pakanan. Dun ko na nakita ang ibat-ibang klase ng mga bulaklak na may maraming kulay.

"Ngayon ko pa lang to nakita ah?" Tumingin ako sa kanya.

"Hinihintay ko lang kasi ang sagot mo. Kapag narinig ko na, dadalhin kita dito tuwing may free time tayo!" Tumingin siya sa hardin, "Maganda, diba? Roses, Lotus Flowers, Orchids, kahit foreign flowers nandiyan! Nabubuhay sila dahil sa isang mahika na ginamit ni Mark upang hindi sila mamatay!"

"Ganda nga!" Lumapit ako sa isang pink na rosas. Nakalagay ang mga ito sa mga flower pots.

Hinawakan ko ang rosas na nilapitan ko. I touched it petal. Lumapit rin si Hanz, pero pagdating niya ay bigla itong umilaw. Napaatras ako dahil sa pagkagulat. Ngayon ko lang kasing nakita ang isang umiilaw na bulaklak. It was glowing with its pink color.

"Ano bang nangyayari?" Tanong ko kay Hanz.

Tumabi siya sakin at hinawakan yung kamay ko. Bumulong siya, "Sabay tayong sasabi nito. Ironheart!"

He counted to three, then sumabay kami, "Ironheart!"

Lumakas ang simoy ng hangin. Sumayaw ang mga bulaklak at nagsimula silang umilaw. Parang Christmas lights ang pagliwanag nila. Napuno ng naghalo-halong kulay ang buong backyard. Nakatulala ako sa mga bulaklak dahil sa kagandahang pinakita nila sa gitna ng gabi. It was like a rave party of flowers.

"Pinakita ito ni Dan sakin nung bago pa lang ako dito!" Paliwanag niya sakin, "Sabi niya, si Lina Lionheart daw ang nagtanim ng mga bulaklak na ito pagkatapos ng Demon Wars!"

"Kaya nga pala maganda ang mga 'to!" I complimented.

"Pero mas maganda pa kaya kang tingnan kesa sa mga bulaklak!"

Tumingin ako sa kanyang mga mata. They were reflecting the colors coming from the night. Ngumiti ako, "Hindi ko ngang inakalain na aabot tayo sa ganito!"

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now