Meredith's Shards #1

775 23 0
                                    

September 2, 2024 - 7:32pm

Kararating ko palang sa mansyon mula Rosethorn. Pinasama kasi si Hanz sa Warsa Detaining Facility dun sa Ralandan. Si Erwin naman ay nasa Rosethorn pa, sa kanyang night shift. Ako lang muna ang mag-isa dito ngayon. Pagkatapos kong kumain, umakyat ako agad sa kuwarto ko at nagbihis. Diretso akong umupo sa kama, nag-iisip ng magagawa. Inipon ko ang lahat ng dugo sa kanang kamay ko. Nagkulay asul yung mga ugat ng kamay ko, at dun na lumabas ang blood rays. Nagsilabasan ang mga parang ahas na usok mula sa aking kamay at naghalo-halo, bumubuo ang scythe ni Lina.

Mas matangkad pa ito kesa sakin. Ang lumilikong blade sa itaas na bahagi ng scythe ay nakasisilaw. Ang matalas na spear sa ilalim na bahagi ay gumasgas naman sa carpet ng room ko. Muntik na nga tong masira dahil nito.

Kakaiba ang scythe na ito. Nung tinuruan ako ni Dan tungkol dito in the past few weeks, nalaman ko na kung pano ito gamitin ng maayos sa gitna ng laban. Sabi pa nga niya na hindi talaga ito isang scythe, kundi isang magic staff na ginagamit ng mga Shadow Mages at Sorcerers. Perp dahil sa lumilikong blade modification nito, tinawag nalang nila itong scythe para mas bagay.

Naisipan ko nang iligpit ito. Unti-unting naglaho ang sandata. Naging asul na usok uli ito at pumasok sa aking kamay. Nawala na ang buong sandata at humalo sa dugo na dumadaloy sa katawan ko. Humiga ako pagkatapos at huminga ng malalim. Tumingin nalang ako sa kisame, at dun ko na namalayan na inaantok na pala ako. Dahan-dahang pumikit ang aking mga mata, at nawalan na ako ng malay.
*
*
*
*
*
Ivy Leia...
*
*
*
*
*
Gumising ako mula sa aking tulog at nahanap ang sarili sa gitna ng isang syudad na tila wala nang buhay. Ito na naman, ang nag-iisang bangungot na nagpaparamdam sakin noon. Pero nagtaka ako dahil ngayon lang ako ulit nakabalik sa panaginip na ito matapos ang ilang linggo o halos isang buwan.

Tumayo ako at nakaramdam ng sakit sa tiyan. Sumasakit rin ang right temple ko. Natandaan ko ang mga malalabhang sugat na natanggap ko mula kay Lina. Wala nga akong narinig na dahilan kung bakit pinapatay niya sa mga ganito kong panaginip. Sagot naman ni Dan, ginagawa lang daw to ni Lina dahil ako ang pinipili niya. Naniwala naman ako sa kanya dahil simula nung nakuha ko na ang scythe ni Lina, wala na akong naranasan na mga bangungot gaya ngayon.

Naglakad ako ng ilang sandali, at sa wakas ay lumabas ang anino ni Lina. Nakita ko ang simbolo sa mukha niya. Hawak pa rin niya ang kanyang scythe. Lumapit ako sa kanya at nagtanong, "Heneral Lina, may problema po ba? Ba't ngayon lang po ka ulit nagpaparamdam sakin?"

Nagsalita siya, pero hindi ko to naintindihan. Napansin niya ito at biglang nagflash ang kanyang mukha ng kulay pink na ilaw. Unti-unting naglaho amg kanyang scythe, at umiiba rin ang anyo niya. Naging tao siya ulit. Lumantad ang mukha ng isang magandang babae.

Nagsalita siya ulit, at talagang naintindihan ko na ang sinasabi niya, "Pasensya na Meredith. Pero ngayon, hindi ko na talaga kayang itago pa ang totoo!"

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Tanong ko ulit sa kanya.

She closed her eyes. Hinawakan niya ang mga kamay ko, "Meredith...the wounds. You really don't get it don't you?"

"Po? Anong wounds po ba?"

"Our past wounded you in this dream. And your scars in reality have something to do with our past!"

"Whaa? Wait lang po...Kailangan po ba talaga English?"

"Pasensya na ha, English kasi yung ginagamit ko noon eh! Remember what I just said, and you might unlock the truth! Pasensya na talaga Meredith, pero hindi ko na kayang itago ang ilang piraso ng katotohanan!"

"Pero Heneral...isang tanong na lang po!" Naalala ko ang tanong na matagal ko nang gustong marinig ang sagot, "Bakit po niyo ba ako pinapatay noong mga unang panaginip ko po?!"

Imbes na sagutin niya ako, ay inulit niya ang kanyang unang sinabi, "Our past wounded you in this dream. And your scars in reality have something to do with our past!"
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
Nagising ako sa totoong buhay habang humahabol ng hinga. Hindi ako umisip ng ibang bagay para maalala ko ang sinabi niya.

"Our past wounded you in this dream. And your scars in reality have something to do with our past!" Inulit ko to.

Nag-isip ako ng sagot. Ramdam ko isa itong riddle. Nag-isip nga ako ng ilan pang sandali, pero wala talagang pumasok sa isip ko. Dun ko na narinig ang alarm clock. 6:30 na pala ng umaga. Nagmadali akong pumunta sa banyo para maligo. Baka malate ako sa school.

Pagbaba ko ay wala pang tao sa banyo. Baka hindi pa gising si Hanz. Pumasok ako at naghubad ng t-shirt. Matapos ko tong matanggal ay nakita ko ang sarili ko sa malaking salamin. Papasok na sana ako sa shower, pero nakita ko ang malaking scar sa ilalim ng bra ko. Sabi ng nanay ko, inatake daw ako ng demonyo noong bata pa ako. Tinitigan ko ng maayos ang scar. Isang mahabang hiwa lang ito.

"Your scars in reality, have something to do with our past!" Naalala ko ang sinabi ni Lina. Tinitigan ko ng maayos ang scar, "Our past wounded me in that dream!"

Nag-isip ako ng sagot, pero walang lumabas. Nagtataka nga lang ako kung bakit ito ang sinabi ni Lina. It's like we've even really met before.....did we?

I didn't want to doubt Lina. Totoo siya sa mga panaginip ko. Dahil nga sa kanya na nakuha ko ang scythe. Pero ngayon, parang nagdududa na ako. May naisip na akong sagot, pero hindi ako naniniwala dahil imposible naman itong mangyari dahil wala naman akong maalala.

Pumasok sa isip ko na ang mga ginawang pagpatay ni Lina sa mga panaginip ko ay nangyari na noong unang panahon. Our past wounded me in my dreams, those dreams where she sliced my abdomen with her scythe and hit me in the right temple. Pumasok rin sa isip ko na parang may mga bagay tungkol sa nakaraan na hindi ko alam ngayon. My scars in reality. Of course, reality talks about the present. My scars now, have something to do with the past. Dahil sa mga naisip kong ito na nagdadalawang isip akong maniwala kay Lina.

Matapos ko itong ma-conclude, yung nanay ko na naman ang pinagdududahan ko. It's either Lina who's lying or my own mom. Pero ang tanong, ano ba ang koneksyon ng scars ko sa nakaraan, at ano ba talaga ang naging dahilan nito?

Rosethorn AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon