Chapter 70 - End

915 18 0
                                    

2025

"Mahal, nalagay mo na ba ang mga portrait sa kuwarto natin?" Sumigaw ako sa kanya mula sa balkonahe.

Tumingin siya sakin na nasa ibabaw niya, "Nalagay ko na mahal! Tingnan mo lang kung okay na ba yun!"

Hindi ko ito tinignan. Mamaya nalang yun. Bumaba ako at yumakap sa kanya na nag-aayos ng furniture. Inusod niya ng konti ang sofa at pinansin na niya ako.

"So ano, okay na ba ang sala natin?" Tanong niya.

Tumingin ako sa loob ng sala. The white paint job and arrangement of the furniture made the place like a paradise. 

"Hindi ko alam na may pinagawa ka na palang bahay sa noong December pa! Tatlong buwan lang ay natapos na to! Ang bilis naman!" Hinalikan ko siya sa pisngi habang binigyang puri.

"Syempre mahal, 24/7 kayang nagtrabaho yung mga gumawa nito! I hired the best engineers and architects!"

Sabay kaming naglakad sa labas ng bahay, at nalanghap namin ang malinis na hangin ng gubat. Tumingin kaming dalawa sa bahay, masaya at magaan yung pakiramdam.

"Sa wakas, magkakaroon na tayo ng mapayapa na buhay!" Yumakap ulit ako sa kanya.

"Oo nga...matutupad na yung pangarap natin na magkaroon ng pamilya! And about next year, we'll have our little Hanz or little Meredith in the family!"

There's nothing else that we wished for but this. Kompleto na ang buhay naming dalawa. Away from war, at tahimik na lang. This is going to be a new life.

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now