Meredith's Final Shard #5

442 12 0
                                    

"Meredith!"

Umikot ako at nakita si Lina na nakatayo sa gitna ng kapatagan. Ang mga grasses ay umaabot hanggang binti. Yung mga gusali dati ay wala na, at ang langit ay kulay asul na. Nalalanghap ko ang masarap na hangin, at hindi na ito amoy usok.

"Lina, ano bang nangyayari? Hindi ba ako tao? Ilang bagay ba ang hindi ko alam?"

"Marami nawala mula sa iyong alaala Meredith, kaya nandito ako para ibalik na lahat!"

Tinaas ni Lina ang kanyang kamay at tinutok niya to sakin. Lumabas mula sa aking wrist ang kulay asul na dugo, at lumipad ito papunta sa kanya. Naging scythe niya ito nang magtagpo na ang lahat ng dugo.

"Babawiin ko na ang aking scythe, dahil ito na ang huling pagkikita natin!" Lumapit siya sakin at ngumiti, "Touch my scythe, and you'll know everything again!"

"Wait...akala ko may ipapakita ka sakin about killing that demon girl?" I cut her off.

Napaisip tuloy siya. Tumingin siya sakin at nagpaliwanag, "I believe everything will be answered if you touch my scythe! Tell me when you're ready, then I'll say the word! But before that, you must be prepared of the outcome. Every knowledge of the past, everything that was real about you. Everything, will come back in a flash. Are you sure you're ready? Will you be able to accept yourself?"

"Ang dami naman yang tanong mo," kinamot ko ang aking ulo, "May pangako ako sa isang pumanaw na kaibigan na tatanggapin ko ang aking sarili, kahit ano man ang mangyayari o aking malalaman! Handa na po ako!"

Hinawakan ko ang pole ng scythe niya, at ngumiti siya sakin, "Well then Meredith.....Kenus-Tris-Jetsu!"

Naramdaman ko ang matinding sakit sa aking ulo. Parang binaril ako ng ilang beses sa ulo pero hindi namamatay. Napaluhod ako habang pumasok sa aking isip ang mga alaala na hindi ko alam ay nandun pala.

Namulat ako sa katotohanan. Nawala na ang sakit. Malamig na ang aking ulo. Tumayo ako at humarap ako kay Lina. Tumulo yung luha ko. Niyakap ko siya habang patuloy sa pag-iyak.

"Lina.....ang tagal ko na palang nawala sa mundong ito!" Nabasa ang kanyang balikat dahil sa mga luhang tumulo mula saking mga mata.

"Okay lang yan, Ivy. Miss na miss kaya kita!"

"Ang scar sa aking tiyan. Ikaw pala ang may kagagawan nito noong Ironheart Revolution!"

"Oo. At may scar ka rin kaya sa right temple mo, pero palagi itong natatabunan ng iyong buhok!"

I remember everything. I remember how everything started. My real name is Ivy Leia Roselia. I had a sister. My family lives in Staten Island, New York. My age this year is already 18. I was 14 when Lina put me into amnesia when she defeated me on the final battle of the Ironheart Revolution.  Ako ang Unholy Sorceress ng Burning Trinity ng Triple Six Theory. Isa akong Hellmorph. Naging kalaban. Maraming napatay.

Sumisikip ang aking dibdib sa kada alaala na bumabalik sa isip ko. It's like the truth's overwhelming me, and each memory that comes back hurts.

Marami pa ang pumapasok saking isip. Nag-enlist ako sa Warsa noong 2019. Noong 10 years old palang ako, ay sinasaniban na ako ng masasamang espirito, kaya ako naging vessel ng demons at naging bahagi ng Burning Trinity.

Akala ko ito nalang ang mga alaalang nakatago sa aking ulo, pero bigla nalang bumuhos ang aking luha.

I grabbed Lina by the shoulders, at tinanong ko siya habang umiiyak, "All this time...boyfriend ko na pala si Dan. Boyfriend ko siya bago ko pa nakilala si Hanz. Ano ba tong nararamdaman ko ngayon?"

Inulan ng luha ang mga damo na nasa ilalim namin. My feelings for Hanz, is clashing with my reawakened feelings for Dan. Pareho ko silang mahal. Pareho ko silang gustong makasama habang-buhay, pero isa lang dapat ang aking pipiliin.

"When I erased your memories," Lina comforted me with a hug, "Dan was so worried. He promised Mark that he would do anything to get you back. Pero wala na siyang nagawa nang mawala ang Ivy, at napalitan ng Meredith!"

"That's why he's always mad at Hanz. He was jealous. He was afraid that he wouldn't fulfill his promise. He was afraid that he would lose me to someone else! Dan was never crazy! He was just afraid!" Hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak nang sabihin ko ang mga ito.

"Pero Ivy, nasa iyo ang desisyon mo. Para sa'yo, sino ba ang dapat mong piliin. Ang minamahal mo ngayon, o ang mahal mo noon?"

Nahihirapan akong pumili. My memories with Dan flashes back. Nagflash sa isip ko yung araw nung sabay kaming lumaban sa gitna ng maraming Demons habang naka-Hellmorph kami. Pero kumontra naman yung alaala ko ni Hanz nung araw na isusuko sana niya ang kanyang sarili kapalit ang kalayaan ko. 

"Ikaw Lina, sino ba ang pipiliin mo kung nasa aking lugar ka ngayon?" Tinanong ko siya.

Nahihirapan siyang sumagot, "It depends. If pareho mo silang mahal, pipiliin ko yung ililigtas ng isa!"

"Ano ba ang ibig sabihin niyan?"

"One of them will know kung sino talaga ang mahal mo sa kanilang dalawa!"

Mas tumindi ang aking pag-iyak. Sumigaw ako, "I'M CONFUSED! Ano ba ang tamang gawin ko? Please, just make this stop!"

Humiga na ako sa grass field at umiiyak ng malakas. Everything hurts. Everything is confusing. Sana hindi na bumalik ang aking memories para hindi ako masaktan. Gusto kong magtanim ng galit kay Lina dahil binalik niya sakin ang mga alaala ko. Tumayo ako at sasakalin ko na sana siya, pero bigla siyang nagsalita.

"Parang may nakakalimutan yata ka?" Tumulo ang luha ni Lina.

Nanghina yung buong katawan ko. Hindi ko na nasabi ng maayos sa kanya ang linyang ito, "Hindi...hindi ako dapat magtanim ng galit sa aking best friend. Lina, ikaw lang pala ang nag-iisa kong kaibigan nung iniwan ako ng aking pamilya. Sorry Lina....sorry kung tinaksil kita noon. Sorry sa mga naisip ko ngayon! SORRY! Hindi ko kayang mapatawad ang aking sarili! Gusto ko nang mawala sa mundo! I just can't believe that my life is like this! I DON'T LIKE IT!"

"Akala ko ready ka na?" Pinahiran ng panyo ni Lina ang aking mga luha.

"How can I repay you for my mistakes?"

Ngumiti siya, "Accept yourself. Accept the truth. Accept everything about you. Don't fail Erwin, and Don't fail me. This will be our last meeting Ivy...please, do it for us!"

"Lina...pangako, hindi kita bibiguin!"

"Goodbye Ivy, our time is up. You need to wake up. You still have to save yourself and your friends!"

"Lina...."

"Goodbye Ivy, goodbye Meredith! Please, don't fall under your sadness!"

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now