Chapter 30 - Full Scale Assault

832 28 0
                                    

September 2, 2024 (0823 Hours - 8:23AM)
Meredith's POV

"Okay...nandito na tayo. Sabi ni Dan, act normal. Let's not do anything stupid!" Paalala ni Maya sa amin.

Nasa loob na kami ng classroom. Hinintay nalang namin ang kaguluhang dadating. Kapag may makikita na daw kaming mga Shadows na lumalaban, dun na daw kami papasok.

Wala namang problema sa loob ng room namin. Everything was doing fine.

"Nasaan na nga ba sina Dan?" Tanong ko kay Sunny. Naiinip na kasi ako sa kahihintay.

"Sabi ni Hanz, nasa loob ng daw sila sa opisina ni Rave. Parang nagsimula na nga silang mag-usap!"Sagot naman nito sakin.

Pinindot ko ang isang maliit na button sa ilalim ng tenga ko. Tahimik akong bumulong, "Hanz...nasa opisina na ba sina Dan?"

Nagka-static muna ng ilang segundo. Saka naman sumagot ang boyfriend ko, "Oo, nasa loob na sila ng opisina Mery. Ihanda na niyo ang inyong mga sarili!"

"Mmm...sige mahal. Maghahanda na kami ngayon!" I replied then let go of the device.

Wala namang guro ang pumasok dahil may problema sa schedule. Hindi nga namin alam kung bakit, pero alam kong may kinalaman ito sa pagpasok ni Dan sa Rosethorn. It felt like Rave knew the dangers about Dan's arrival.  What if, may plano na siyang nakalaan kung sakaling darating man ang araw na 'to?

Dan's POV
Superiors' Office

Kaharap ko sa sofa si Rave, kasama ang dalawang kawal ko. May mga kasama naman siyang Shadows na nakatayo sa tabi niya.

"So, kamusta ang pagbisita mo rito Heneral Dan. Maganda ba?" He asked nicely.

I grinned, "Pasensya na pero hindi ako bumibisita lang. Dito na talaga ako naka-assign buong school year. Pero, about your question, my stay's as good as expected!"

"Good. Mabuti naman dahil nagandahan ka sa stay mo dito. Pero, sana pinaalam mo naman samin na dadating ka dito last month. Ngayon ko nga lang nalaman na may Warsa Shadow pala kaming pumapasok dito!" Tumawa siya habang sinabi niya ang mga ito.

Nagkunwari akong tumawa. Sinabayan ko muna siya, "Pasensya na dahil biglaan rin naman ang pag-assign sakin dito ng Council. Sana maintindihan mo naman ang mga biglaang pangyayari!"

"I understand, General Dan. But please, would you state your business with me again, about why you called an appointment?"
Ngumiti ako. I tried to keep the talk as smooth as possible, "Nagpatawag ako ng appointment dahil may tatanungin sana ako sayo."

"Go ahead General. Feel free to ask me anything!"

"Well then. May report ako na natanggap na minolestya mo daw ang isang estudyante niyo noong mga nakaraang araw! Totoo ba ito?" Tinanong ko sa kanya ang sinumbong ni Meredith sakin.

Natahimik siya ng ilang sandali. Sumagot siya, pero nagsimula nang tumulo ang kanyang pawis, "Ahhhh...ehhh Heneral. Alam mo namang usong-uso ngayon ang tsismis diba? Let's talk about something else that's true!"

Pinapawisan siya. Nahihirapan siyang sumagot. These are signs that he is resisting my question. And if a person tries to get away from a certain topic, it only indicates that he has really something to do with it. Tatanungin ko siya ulit, pero iba na yung magiging topic. Pushing him on one subject might raise suspicions quickly.

"Well, I'll ask something else then" nag-isip ako, "So about your system then. Nabaguhan kasi ako, dahil gumagamit kayo ng Level and Class Ranking System. Sa Warsa kasi, ang ginagamit dun ay ang Division System. Ano naman ang dahilan kung bakit iba yung system ninyo dito Heneral Rave?"

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now