Chapter 50 - The Dance

570 19 5
                                    

October 12, 2024 (2300 Hours)
Hanz's POV

"Pinahanap ko na ng mga tauhan mo ang bawat resort dito sa Boracay, pero wala pa rin silang nahanap, kahit isang clue man!" Paalala ko kay Dan. Nakatayo siya sa harap ng kama na tinutulugan ng isang babae. Nasa loob kami ng isang tent sa gitna ng gabi. Wala sa intensyon namin amg matulog kahit napapagod na kaming dalawa.

"So wala pa rin tayong balita tungkol sa kanila? Mula sa Warsa team, natanong mo na ba sila?"

"Tapos na. Sabi nila, wala pa rin daw silang nahanap!"

Tumingin ako sa babaeng natutulog. Nagtataka kaming lahat kung bakit nandito si Commander Aimee Markestra. Nahanap namin siya kahapon sa ilalim ng isa sa mga nasirang gusali. Natrap siya sa ilalim, at kahapon lang namin siya nailigtas.

"Kamusta na pala siya?" Tanong ko sa heneral.

Binuntong hininga si Dan, "She's been unconscious since the day we found her, pero stable naman ang kondisyon niya. She's probably just resting her blood cells after the long suffering under those debris trapping her!"

Pinanood ko ulit si Aimee. Kahit may maraming sugat, ay maganda  pa rin siya. Straight pa rin ang mataas niyang buhok, at maputi pa rin ang balat kahit nadumihan. Gumaling na rin ang mga natamo niyang sugat.

Bigla nalang nagkwento si Dan habang nakatingin pa rin kay Aimee, "Palagi ko siyang nakikita kasama si Mark noong mga panahon ng Demon Wars. Minsan nga lang silang nag-uusap dahil may mahal nang iba si Mark noon, pero sinabi niya sakin na maganda raw ang relasyon nila ng mentor ko before 2019. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang ibang iniisip na lalaki kundi ang mentor kong si Mark. Hindi nga namin alam kung nasaan na siya ngayon, pero may malaking dahilan ang pagkawala niya. Sabi nga ng iba, sumama siya sa mga Gades pabalik sa Gadeon, pero hindi ako naniniwala. Pagkatapos ng Demon Wars ay lumalabas pa rin siya sa aking mga panaginip. Ibig sabihin nun, ay nandito pa siya sa Earth!"

Natahimik kaming dalawa. Tumingin ako sa kanya at nagtanong, "Bakit mo ba to kinikwento sakin?"

"I just want you to know my past. Si Aimee at si Mark, bahagi na sila ng buhay ko. I'm just sharing!" Rason niya.

I chuckled, "So may love story pala yung mentor mo ha?"

Tumawa kaming dalawa. Both of us took deep breathes after laughing. Naging tahimik na naman ang loob ng tent, at pabiglaan kong tinanong si Dan, "Bakit nga ba mo ako kinuha bilang disciple mo in the first place?"

Speechless si Dan for a few seconds, pero nagawa pa rin niyang sagutin ako, "May isa kasi akong kaibigan noon. Para kaming magkakapatid. Kagaya rin siya sayo, isang Bio-1 Carrier,  isang Morpher!"

I nodded. Sa wakas ay nalaman ko na kung bakit niya ako pinulot in the first place. Sa totoo lang, bata pa lang ako nang makagat ako ng isang infected. Akala ko magiging Biomorph na ako noon, pero dumating ang papa ko at tinurokan ako ng Bio-1 para hindi ako mamatay. Ang Bio-1 ay hindi antidote, pero tinanggal nito ang Bio-2 Virus mula saking katawan at pinalitan ang pwesto nito. Oo, halimaw nga ako. Kaya kong mag-iba ng anyo, pero hindi ko magawang pumatay at kumain ng tao gaya ng mga Biomorphs.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nagpaalam na si Dan at umalis ng tent. Naiwan ako sa loob. Aalis na rin sana ako, pero narinig ko ang pag-gising ni Aimee. Sinambit niya ang pangalan ko, at wala na akong nagawa kundi bumalik sa kanya upang pakinggan siya.

*
*
*
*
*

Meredith's POV

Colorful lights, magagandang disco music, maraming tao. These are the words I could say to describe the party we're in right now. Nasa gitna na kami ng maraming tao, at hindi namin masyado naririnig ang isat-isa dahil sa ingay ng beats.

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now