Chapter 19 - History

1.1K 31 0
                                    

August 8, 2024 (0800 Hours)
Dan's POV

From my room on the 23rd floor, makikita ko ang buong mansyon ni Mark at ang Rosethorn na malapit lang dito. Hawak ko na ang mga papeles na gagamitin ko bilang patunay sa aking branch reassignment.

"Bukas....baka bukas, papasukin ko na ang paaralang iyon!"

Umupo ako sa kama at hinanda ang aking mga gamit. Lilipat na ako sa mansyon bukas ng umaga. Nagpa-extend lang ako ng one night dahil akala ko ngayon na ako lilipat dun.

Maya's POV

Nasa loob kami ng room, naguusap tungkol sa pagkapanalo namin kahapon. It was the weirdest thing. Special mission, pero alam nila na kami ang naka-assign dito at nanalo.

"Sa dami ng unit na naa-assign araw-araw, bakit ba nila nalaman na tayo ang kasali sa misyong iyon?" Tanong ko kay Sunny. Si MJ ay nakikinig lang sa amin.

"Kaya nga ang weird eh! It's too specific on how they knew na kayo ang nanalong unit sa misyong iyon!" Sabi niya.

Bigla nalang pumasok ang History teacher namin. Agad na bumalik sa kanilang mga upuan ang mga kaklase namin, pero nanatili silang nakatayo upang magreet sa teacher, "Good Morning Miss Sakuya!"

Meredith's POV

"Good Morning class!" Sagot nito samin at pinaupo naman kami.

Matapos ang ilang sandali niyang paghahanda ay tumayo na siya sa harap ng blackboard. "Okay class, ipagpatuloy na natin ang previous lesson natin sa History. The lesson about clans and factions" may lumabas na blood ray mula sa kanyang palad at ginamit ito na parang ruler para ituro ang isusulat niya sa blackboard.

"The clans and factions existed during the first appearances of the Shadow academies. Who can tell me the reason why the very first clan was ever made in all of Shadow History?"

Tinaas ng isang lalaki ang kanyang kamay, at pinatayo siya ni Miss Sakuya para sumagot, "Ang Yaeger Uprising po Miss!"

Yaeger? Naalala ko tuloy ang mentor ni Dan matapos ko itong marinig.

"Tama" natuwa ang guro sa tamang sagot, "Ang Yaeger Uprising ay ang rebellion na kumontra sa dating superior ng Warsa na si Todd Justin Arnaldo, na ngayoy isang heneral sa isang Guardian school!"

I was stunned by what the teacher had said. Dating superior ng Warsa si Todd? Ngayon ko lang yan nalaman. Isa pala siyang malakas na pinuno ng pinakamalaking Shadow school sa buong Pilipinas. Nakinig ako para malaman ko ang totoo...

"Kundi dahil sa rebelyong ito, matutuloy sana ang malagim na plano ni Todd na sakupin ang buong Warsa at mapatumba ang buong paaralan. Sinimulan ang Yaeger Uprising ng kaisa-isang Mark Yaeger noong 2019, ang kinikilalang Legendary Knight ng Shadow Council at ng lahat ng Shadow schools. Opisyal siya ng Warsa noong panahong iyon. Siya ang nagpatakbo sa mga operasyon ng rebelyong ito at nagtagumpay. Nabuo ang rebelyon sa paglikha niya ng kanyang sariling clan na tinatawag nilang Xyndicate.  Dahil sa kanyang mga matitibay na stratehiya at kakaibang kakayahan sa digmaan, nanindigan ang kabutihan laban sa kasamaan! Tinalo niya si Todd in a one-on-one battle gamit ang kanyang dalawang mahihiwagang espada, na ngayoy hindi pa rin nakikita"

At matapos nun, it all popped in my head. Ang paborito kong Guardian super star, na si Todd, ay tinalo ng mentor ni Dan na si Mark. Hindi ko akalain na may mas malakas pa pala kay Todd. He was an ex-Shadow.

"Hanggang ngayon, wala pa ring nakakaalam kung saan nagtungo ang isa sa Fallen Fantasy, na si Mark Yaeger. Hindi na siya nakita kailan man matapos ang Demon Wars, pati na rin yung mga kasama niya sa Fallen Fantasy. At pagkatapos ng Yaeger Uprising, ay patuloy namang pinatakbo ng mga followers ni Heneral Mark ang Xyndicate, na nooy isang rebel clan pero ngayoy isang secret group na. Hindi na ito nanatiling sekreto pa dahil sa dami ng operasyon ng ginagawa nila, pero wala pa ring nakakaalam tungkol sa clan na ito, kahit mga miyembro man o tagpuan. Ang detalye na nakuha lang ng mga Spectres mula sa clan, ay kumukupkop sila ng mga tinatawag nating 'Stray Shadows', o mga kabataan na may dugong Gade na aksidente lang nilang nakuha, pero hindi naman naka-enroll sa isang Shadow school. Nagpapasali din sila ng mga elite Shadows at Stray Mercenaries na handang tumulong at lumaban para sa mga nangangailangan"

Sinulat ko ito sa aking notebook bilang notes. Nakinig ako sa kanya, hanggang sa natapos na niya ang parte ng lessong iyon. Lunes pa kasi sinimulan ang lesson, pero ngayon ko lang narinig ang pamilyar na pangalan mula sa History class.

Pagkatapos niyang mag-discuss, ay tinanong niya kami, "So...based on our discussions, what was the next Shadow rebellion made after the Yaeger Uprising?"

Walang nagtangkang sumagot, pero tinaas ni Sunny ang kanyang kamay at pinatayo siya agad ni Miss Sakuya, "The Ironheart Revolution po Miss!"

Ngumiti ang Filipina-Japanese, "Tama ka miss Altheo! Thank you for answering"

Humarap ulit ang guro sa blackboard at sinilat ang sinabi ni Sunny, at tinuloy niya ang pag-didiscuss, "Ang Ironheart Revolution naman ay nangyari simula noong 2020. Natapos ito sa isang taon. Ang namuno naman sa himagsikang ito ay isa rin sa mga kasama ni Mark Yaeger sa Fallen Fantasy, na si Lina Lionheart. The Legendary Sorceress known as The Death Lotus. Siya ang nagpatalsik sa mga namumunong Guardian na umaabuso sa kanilang kapangyarihan sa panahong iyon. Maraming syudad ang napalaya ng Ironhearts mula sa mga tyrant Guardian leaders. Napahinto ang himagsikang ito matapos tinalo ni Lina ang pinakamataas na pinuno ng Guardians noon na si Ivy Leia Roselia. Napatay siya ni Lina sa football field ng Ralandan, pero hanggang ngayon, walang nakakaalam kung saan ang mga labi ng pinunong Guardian"

Matapos kong marinig ang mahabang pangalan, biglang may nag-snap sa aking isip. Leia. It sounds familiar. Ramdam ko narinig ko na to from somewhere. Hindi ko lang talaga matandaan. Hindi ako dumikit sa aking iniisip. Nakinig ako sa guro. Naging interesado ako sa lessons ng paaralang ito. Ang totoo pala, ang Guardians talaga yung mga bad guys, at ang mga Shadows are the good ones that nobody believes they are good. Nalaman ko rin kung paano ni-reject ng ibang bansa ang tulong na inalay ng Shadow Council sa kanila.

After an hour, nagring ang bell. It was lunch time. Bago pa kami lumabas ay nagbigay ng reminder si Miss Sakuya tungkol sa assignment namin. Pagkatapos nun ay pinalabas na niya kami at nagpaalam naman kami sa kanya.

"So tungkol sa Surprise, hindi ko pa rin ito naiintindihan" biglang sambit ni Maya habang naglakad kami papuntang cafeteria.

Sunny reacted, "Alam mo, dapat mamaya muna yan. Kailanan na nating kumain, or matutumba talaga tayo ngayon sa PE kapag hindi tayo kakain ng maayos!"

"May PE pala kayo dito?" I was curious.

Tumawa si Sunny, "Akala mo ba wala? May PE sa lahat ng Shadow schools, pero hindi siya gaya ng regular PE subject!"

Kumunot ang noo ko, expecting something else, "Bakit, ano ba ang nagpapaiba sa PE ng Shadow schools?"

Sunny grinned, "It's a fight for life and death!"

"Hahaha, magandang biro yata yan Sunny ha? Hindi ko alam na may sense of humor ka pala!"

"Hindi ako nagbibiro MJ!" Tumingin siya sa kanyang mga palad, "Ito ang pinakapaborito kong subject, dahil ito lang ang tanging school activity na nagpapalaki sa grades mo! And that is through physical and magical combat!"

Bumuka yung bibig ko dahil hindi ako naniwala sa sinabi lang niya, but Maya seems to agree with her, "Hindi kami nakikipagbiruan sa iyo MJ! PE subjects are always on Thursdays, dahil every Friday ang open battle day. Kailangan mong matuto sa art of combat para makapasa ka. Kung gusto mo, tuturuan kita!"

Narating na namin ang canteen. Bago pa pang kami pumasok sa pinto nang hinarangan kami ng isang grupo.

"And here comes Hanz's little girl!" Tukso ni Rhiyana sakin.

Kasama niya si Evan at ang buong Nightwalkers. Gusto na naming kumain, pero nasa daan namin sila.

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now