PART 2. ATTENTION part2

1.2K 25 3
                                    

MADDIE POV

Hi! I'm Madelienne Yrenea Madayag. The team called me Maddie. I'm a very reserved type of person. Tahimik lang naman ang buhay ko sa team hanggang sa dumating ang kapatid nang twinnie ko.

She is really talkative, walang tigil ang bibig kakadaldal. In short, ang ingay niya. Kahit sinasaway na siya, di talaga titigil.

Even during trainings lagi siyang hyper, akala mo baliw na nakawala sa mental. Honestly, di ko alam paano siya naging kapatid ng twinnie ko na si Trey.

I don't know, I just felt like hindi ko siya makakasundo kahit kelan. Kasi unang una, ayoko sa maingay at papansin lagi. And that's her, exactly.

Kaya madalas kapag hindi ako makapagpigil, binabara or sinusupla ko siya para manahimik. Hanggang sa araw-araw na lang ata ay nagbabangayan na lang kami.

Ewan ko ba sa mga ka teammates ko, bakit hindi naman nila sinasaway, parang gusto pa ata nila kapag nag-iingay si Ponggay na baliw.

Gaya ngayon, medyo okay naman kami dito sa sala bago siya dumating. Nagkwekwentuhan at nag-aasaran ang iba pero tolerable pa naman.

Pero pagkababa niya sa sala mula sa room, nagsimula na naman ang maingay niyang bibig. At kinukulit ang ate niya na gumala.

At sa dami dami ba naman namin sa sala ako talaga ang naisipan ng ate niya na sumama sa baliw niyang kapatid. Alam naman niyang hindi kami magkasundo ng kapatid niya.

Hindi ko alam kung nananadya ba tong si Trey at nang-aasar lang. Kahit nung umpisa pa lang alam niya na hindi kami mag match nang kapatid niya.

Flashback....

Katatapos lang nang nakakamatay na training. What do you expect, if it is with coach Tai asahan mo na, after training lalawit dila mo sa pahirap niya.

Lahat kami nakasalampak na sa floor sa sobrang pagod. Halos ayaw na naming maglakad papunta sa bench kung nasaan ang gamit namin.

Kulang na lang gumapang kami sa sobrang pagod. At kapag ganitong pagod ako, all I wanted is tahimik na buhay at walang maingay.

Natutulig ang tenga ko kapag nakakarinig ako nang ingay. Lalo't medyo kumikirot pa yung paa ko na kagagaling lang from injury.

Kaya medyo inaaalalayan ko muna at hindi pinipwersa. Sa kasamaang palad medyo kumikirot, kasi namali ako nang apak kanina. Hindi ko na lang sinabi sa kanila, baka pagpahingahin na naman ako.

Isa pa, namiss ko na rin maglaro and tolerable pa naman. Kaya medyo tiniis ko na lang.

Sa kagandahan nang araw, may biglang nagsisisigaw mula sa bungad nang gym papunta sa loob nang court.

PONGGAY: "Ate Trey, ate Trey. Yohooooo. Ate Trey, tignan mo!"

Natulig ang tenga ko sa ingay nang babaeng tumatakbo at akala mo'y baliw na nagsisisigaw at si Trey ang hinahanap.

Lahat nang atensiyon ay napunta dun sa babaeng baliw na may hawak na paper, na akalain mong batang nanalo sa pacontest nang barangay.

TREY: "Ano ka ba naman Monique Marie Gaston. Ang ingay mo, kailangan talaga nagsisisigaw ka diyan na parang baliw. Nakakahiya ka."

Saway ni Trey sa babaeng nagtatakbo na lumapit sa kanya at ipinakita ang paper na hawak nito.

PONGGAY: "See this ate? Nakapasa ako sa exam. Yehey, pasado ako ate, pasado po ako."

Tuwang-tuwa na balita nang batang baliw, na kapatid pala ni Trey. Hindi man lang alintana ang pagsaway nang kapatid niya sa kaingayan niya. Bagkus, ang saya niya sa binalita sa kapatid.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon