PART 66 - WORRY

807 16 13
                                    

PONGGAY POV

We are almost at the ateneo campus, but I changed my mind. Bigla ko kasi naisip ang mga parents ko. I just miss them, all of a sudden.

PONGS: "Kobe, change direction tayo. Ihatid mo na lang kami sa bahay instead. Pwede ba?"

Kaya pinatigil muna ni Kobe ang kotse sa gilid ng kalsada at lumingon sa akin. Well, lahat sila ay nakatingin sa akin at kita ang worry sa face nila.

TREY: "Are you sure?"

PONGS: "Gusto ko makita si mom and dad."

Malumanay kong wika. At nag nod naman si ate Trey kay Kobe, kaya naman pinaandar na ni Kobe ang sasakyan at umalis na kami.

PONGS: "I am sorry Kobe, naabala ko pa tuloy kayo ni Marco."

KOBE: "It's okay."

Then, I take my phone and texted ate Trey.

To: Ate Trey
"I'll tell you later on why, kapag nasa bahay na tayo. Not now."

She take a look on her phone ng umilaw ito. And lumingon siya sa direksiyon ko with a questioning look.

She just turned it off after niyang mabasa ang text ko, pero hindi naman na siya nagsalita pa. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa headrest ng sasakyan and just close my eyes.

After ng mahabang byahe dahil sa traffic ay nakarating na rin kami sa bahay. Buti naman at pagdating sa bahay ay nandun ang parents namin.

PONGS: "Mom and dad."

Wika ko sa kanila na parang ang tagal kung hindi sila nakita. Kaya naman niyakap ko sila agad ng mahigpit.

DAD: "How's my baby? Bakit yata bigla kayong umuwi today?"

Wika ni dad ng yakapin ko siya. Hindi agad ako bumitaw sa pagkakayakap sa kanya kaya niyakap niya ako ng mahigpit.

TREY: "Yung baliw niyo pong anak dad bigla nagyaya."

Bumitaw na ako kay dad at yumakap kay mom.

MOM: "Anong nangyari naman sa baby namin?"

She kissed me while hugging me.

PONGS: "I miss you mom."

MOM: "I miss you baby."

TREY: "Kobe and Marco, thank you sa paghatid."

KOBE/MARCO: "Good evening po!"

Sabay na bati ng dalawa sa parents namin.

MOM: "Good evening mga hijo. Kay gagwapong mga bata naman ito. Salamat sa paghatid sa mga anak namin."

TREY: "He is Kobe and siya naman po si Marco."

Pagpapakilala ni ate sa dalawa.

MOM: "Magsikain muna kayo. Magmerienda muna kayo."

MARCO: "Nako hindi na po. Kailangan narin po namin umalis agad kasi may training pa po kami."

Pagpapaliwanag ni Marco, medyo nabulol pa nga siya habang nagsasalita.

KOBE: "Sige po. Hindi na po kami magtatagal. Pongs, Trey alis na kami."

TREY: "Sure, hindi na kayo kakain? Salamat pala ulit sa paghatid ah."

KOBE: "Your welcome. Basta kayo ni Pongs no problem."

Kumalas ako sa pagkakayakap kay dad at hinarap silang dalawa.

PONGS: "Thanks Kobe. Thanks Marco. Promise babawi ako some other time."

Lumapit ako at bumeso sa kanilang dalawa at nagpaalam. Nagpaalam din sila sa parents namin.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon