PART 25 - TRUTH and LIES

799 16 19
                                    

BEA POV

Kagagaling ko lang nang banyo. I was really in a bad mood today, paano nagalit si Coach Tai kaya pinarusahan kaming lahat at dahil yun sa setter namin. Siya talaga may kasalanan.

It has been a month na nang makalabas ako sa hospital and nabigyan na rin ako nang go signal na pwede nang maglaro at makasama sa training with the team.

Kaya ilang araw na akong nagpractice with them. And to my dismay, nakakasama ko sa court ang kinaiinisan kong tao. Madalas magkasabay pa kami.

Her name is Jia Morado, and I don't like the name. I really hated that name. Worst thing is ka roomate ko pa siya. Kaso wala akong choice.

Mula nung nasa hospital ako until now, naiinis talaga ako sa presensiya niya. I don't know why. I just don't like seeing her.

Sabi nila ka teammate daw namin si Jia. And four years na siyang nasa team. Pero wala talaga akong maaalala kahit isa lang tungkol sa kanya. Or maalala man lang about her.

Pero okay lang yun kung wala ako maalala kasi I'm not interested about who she is. I don't really care, wala akong panahon pagka abalahan kung sino siya.

Araw-araw lalo akong naiinis sa kanya. Ayaw ko siya makita today. Kaso mapanadya ang pagkakataon.

Sakto nang pagpunta ko nang sala, naandun ang taong ayaw ko makita. Nakatalikod siya kaya hindi niya ako nakikita. Sa hindi ko malaman na dahilan ay bigla na lang kaming nagkabungguang dalawa.

Kaya naglaglagan ang mga bitbit kong gamit. Pati na rin ang cake na ginawa ko at iniingat ingatan ko for Maddie. Kaya bigla uminit ang ulo ko.

BEA: "Sxxt, are you blind? Look what you did?"

Sigaw ko sa kanya, dahil nabaliktad yung lalagyan nang cake. Paano ko pa ibibigay kay Maddie? Eh sira na yung cake.

BEA: "Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!"

Binulyawan ko na siya nang todo. Kasi nainis na talaga ako ng tuluyan, and seeing na nabaliktad yung cake. Ang tanga lang niya kasi.

LY: "Bea."

Biglang sigaw ni ate Ly mula sa sofa para sawayin ako. Nandun kasi ang teambesh sa sala. Nag-uusap sila kasama ang iba pang ka teammates namin.

BEA: "Siya po kasi ate Ly. She is not looking. Look what she did."

Nang gigigil kong wika kay ate Ly sabay turo sa cake na hindi na mapakinabangan. Then, sinamaan ko nang tingin si Jia Morado.

BEA: "What will I do with that cake now? It's already ruined. Thanks to you."

Singhal ko sa kanya at sinamaan talaga siya nang tingin. Gigil niya si ako.

JIA: "I'll just replace it."

Mahinang tugon niya sa akin na hindi malaman ang gagawin.

BEA: "Replace it? How will you dxxn do it in 10 minutes?"

Napatingin na lahat ng teamamtes namin sa aming dalawa ni Jia.

BEA: "I will give it to Maddie. We have a date in few minutes. And how will I do that, since you ruined everything."

Bulyaw ko na naman sa kanya at nanatili lang siyang nakayuko.

LY: "That's enough Bea. Sobra ka na. Cake lang yan. Hindi mo kailangan sumigaw ng ganyan kay Jia."

BEA: "It was not just a cake po ate Ly. Para po yan kay Maddie. I baked it personally for her. And it was ruined because someone stupid is not looking on her way."

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora