PART 78 - TELL

400 8 4
                                    

MADDIE POV

This is it. This is really is it. I decided na ngayong araw ko na sasabihin kay Ponggay ang totoong nararamdaman ko. Sa totoo lang, kinakabahan talaga ako na sabihin sa kanya.

Pero dahil wala naman siya dito, sa messenger ko lang siya nakakausap, mamayang gabi ko na sasabihin para atleast mahaba ang time naming dalawa.

Thinking about it makes me feel excited and scared at the same time. Excited kasi makikita ko na naman siya at makakausap. I never felt this excited to see her.

Sa tagal naming magkasama, ngayon ko lang naramdaman yung ganitong excitement.

"Mukhang nafall ka na nga talaga sa kanya ng todo Yrenea. Bakit kasi ngayon lang?!" (usal ng isip ko)

Thought at the same time, I am scared to tell her kasi hindi ko alam paano siya magrereact. Mas nakakatakot pa nga ito kaysa dun sa pag-uusap namin ni Zoey.

Inilapag ko ang mga binili sa bakanteng mesa at naupo. Inilapag ko rin ang mga gamit sa mesa. Nasa canteen ako ngayon mag-isa para magmerienda.

Pero yung pag-iisa ko ay panandalian lang kasi papunta sa direksiyon ko si ate Ella kasama ang teambesh. Mukhang magugulo na naman ang mundo ko. It has been a week mula nang kulitin ako ng team about my feelings.

ELLA: "Madzilla, baka solo ka?"

MADZ: "Kasi wala po akong kasama."

Kaya natawa ang teambesh pero si ate Ella dedma.

ELLA: "Kawawa ka naman. Ikaw walang kasama pero si Ponggay meron na."

Patuloy na daldal niya at naupo na sila sa pwesto ko. Nasa tapat ko si ate Ella, buti na lang hindi tumabi kapag nagkataon baka masasakal ko siya.

Tumabi sakin si ate Amy at ate Ly. Nasa tapat naman namin si ate Den at ate Ella. May mga kanya kanyang dala rin ito ng pagkain.

MADZ: "At sino naman po ang kasama?"

ELLA: "Si Kobe."

Napatingin ako sa direksiyon niya. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya or nagsasabi mg totoo.

DEN: "Nako Yrenea, huwag kang nakikinig diyan kay Jorella. Pahamak sa buhay yan."

ELLA: "Eh di wow."

Instead na si ate Ella ang mapikon, nauna pang napikon si ate Den. Kaya hinampas niya si ate Ella at mukhang sanay na siya kaya ang bilis nakaiwas. Inirapan na lang siya ni ate Den.

ELLA: "Hindi mo ba alam Madz, sila na."

MADZ: "Saang tsismisan mo naman po nakalap yan ate Ella?"

ELLA: "Hindi tsismis yun, totoo yun. Itanong mo pa kay besh Amy."

AMY: "It's true. Ponggay told me."

MADZ: "Ate Ly, yang mga besh mo po ang bully."

Alam ko naman magkakuntsaba na yang dalawa. Si ate Ella pa, magaling sa ganyan.

LY: "Hindi ka pa nasanay. Hindi buo ang araw ng bansot na yan kapag hindi nakabully."

ELLA: "Ano ba gagawin mo kapag naging si Kobe na at si Ponggay?"

MADZ: "Eh di congratulations."

Nagtawanan silang apat. Malamang nagdaldal si ate Ella sa mga sinabi ko. Alam na siguro nila.

DEN: "Umamin ka nga, may gusto ka ba kay Ponggay?"

Biglang hirit niya at nakatingin sa akin ng mataman. Si ate Ella bigla napainom. It means wala siya naikwento sa mga ito.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now