PART 40 - KISS

1.1K 24 10
                                    

LIZ POV

Nandito ako ngayon sa Cebu kasama ang buong team. Nasa isang private resort at nag-eenjoy at the same nagbobonding since malapit na naman ang games.

Speaking of enjoyment, ayun sila nagwawala na. Nagkakantahan at nag-iinuman, ngayon na lang ulit kasi nakabond ng ganito pagkatapos ng mga patayang practices and trainings with coach tai.

Syempre pasimuno ng kantahan si ate Ella at Ponggay. Sa inuman naman si Mich at ate Amy. Mukhang may mga tama na sila pero buhay na buhay pa.

Medyo lumalaon na rin ang gabi. Actually unang gabi pa lang namin, kararating lang namin kaninang mga 2:30 pm. Pero may mga energy pa rin silang ganyan kahit mahaba ang byahe kanina.

Medyo naparami na rin ang inom, pero nasa katinuan pa naman ako. Isang familiar na boses ang pumukaw sa aking pagmamasid. Si Jhoana, hawak ang mikropono at kumanta.

Sumabay na siya sa kabaliwan ni Ponggay. Medyo nakainom na rin siya, konti na lang mukhang tipsy na ito mamaya.

BEA: "Hanggang kelan mo ba tititigan na lang si Jhoana Louisse Maraguinot nang ganyan?"

Biglang putol ni ate Bea sa pagtingin ko kay Jho. Hindi ko akalain na sa akin pala siya nakatitig. Actually sila nina ate Jia at Trey.

Magkasama kasi kaming apat sa isang cottage at nag-iinuman din. Magkatabi lang naman ang mga cottages, sa kabila kasi may kantahan eh.

LIZ: "Di naman ako kay Jhoana nakatingin!"

Pagsisinungaling ko sa kanila pero tinaasan lang ako ng kilay.

TREY: "Kelan mo ba talaga balak umamin kay Jhoana Louisse ng totoo mong feelings for her?"

LIZ: "Anong feelings ang pinagsasabi mo po diyan ate Trey? Wala akong ideya sa sinasabi mo."

JIA: "Iba ang lumalabas sa bibig mo sa mga totoong ginagawa mo. You can deny all you want Liz, but until when?"

Napakapersistent talaga nila, alam ko naman na hindi nila ako titigilan.

LIZ: "May Nico na siya."

Walang ganang wika ko.

BEA: "And so?"

Wika ni ate Bea at nakatingin sa akin ng makahulugan.

LIZ: "Mahal niya."

With firmness kong wika sa kanila.

TREY: "Mahal mo ba?"

LIZ: "Wala na rin namang halaga."

BEA: "Mahal mo nga?"

Pagpupumilit ni ate Bea.

LIZ: "What for? Hindi naman na pwede."

Kaya nag ngisihan silang tatlo. Nilagok ko na lang yung alak while looking at Jho na kumakanta pa rin sa kabilang side.

TREY: "Hindi pwedeng hanggang tingin ka na lang Liz. Sinubukan mo man lang ba?"

LIZ: "Sinubukan ang alin?"

JIA: "Sabihin sa kanya ang totoo!"

Umiling na lang ako, kaya napabuntong hininga silang tatlo at napailing na rin.

BEA: "Wala ka man lang bang kabalak balak na umamin sa kanya?"

LIZ: "Sinabi ko na po di ba, may Nico na po siya. And she seems so in love with him. Anong laban ko dun?!"

TREY: "Atleast sinubukan mo. Paano mo malalaman kung hindi mo sasabihin."

LIZ: "Mahal niya si Nico, so useless lang ding sabihin."

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now