PART 29 - DATE

882 20 4
                                    

PONGGAY POV

Katatapos lang nang klase ko, nakaramdam ako ng gutom kaya pumunta muna ako ng canteen. And of all people may isa akong mukha na nakita na hindi kaaya-aya.

"Ang sama na nga ng sikmura ko, ang sama pa nang mukha na nakikita ko." (inis kong usal sa sarili)

Nakita ko lang naman sa di kalayuan si Basti kasama ang mga kaibigan niya. Kaya instead na tumuloy, tumalikod na lang ako para sa ibang lugar na lamang pumunta at kumain.

Sa kasamaang palad pag-ikot ko at paglakad pabalik may nabunggo ako.

PONGS: "Aray ko naman."

Pagrereklamo ko sabay hawak sa noo ko.

MADDIE: "Ano ba yan Ponggay. Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Nakaka disgrasya ka ah."

Si Maddie pala ang nabunggo ko, nainis pa ata.

PONGS: "Ako lang ba ang hindi tumitingin? Eh kung tumitingin ka sa daan eh di sana hindi mo rin ako nabunggo."

Ganting inis ko sa kanya. 😠

MADDIE: "Nakatingin ako, bigla ka na lang umikot at lumakad pabalik. Hindi lang ikaw ang tao sa daanan. Magdahan dahan ka naman sa susunod."

Inis na wika niya habang hawak hawak ang ilong niya.

PONGS: "Anong nangyari sa ilong mo? Bakit hawak hawak mo yan?"

MADDIE: "Napipi ata, ang tigas ng noo mo eh, kasing tigas ng ulo mo. Bakit ka ba kasi biglang umikot ng ganun?"

Remembering the reason why, bigla ako sumimangot.

PONGS: "May mukhang di lang kaaya aya akong nakita."

MADDIE: "Who?"

Sabay linga linga niya sa paligid para tignan kung sino ang nandun.

PONGS: "Ang taong unggoy na mahilig sa saging."

Inis kong wika sa kanya.

MADDIE: "Hindi ba ikaw yun? Hahahaha."

Kaya pinalo ko siya sa balikat ng malakas. Mang-aasar pa eh.

MADDIE: "Aray ko ah. Napipi na nga ilong ko sayo, ngayon naman balak mo pa atang pilayan balikat ko."

Pagrereklamo niya sabay himas sa balikat niyang pinalo ko.

PONGS: "Sa ibang lugar na lang ako kakain. May unggoy na Basti kasi."

MADDIE: "Samahan na kita, isa pa nagugutom na rin ako."

PONGS: "Libre mo ako?"

MADDIE: "Kahit kelan puro ka libre, napaka kuripot mo talaga."

PONGS: "Yehey, ililibre niya ako."

MADDIE: "Oo na, tumigil ka na para kang batang baliw diyan."

PONGS: "Sa UPTC na lang tayo, wala ka naman ng klase di ba?"

MADDIE: "Wala na. Sige sa UPTC na lang tayo. Isa pa may bibilhin din ako dun."

Hinila ko na siya sa kamay para hatakin ng lumakad.

MADDIE: "Ponggay dahan dahan naman di naman tatakbo yung UPTC. Baka madapa tayo sa ginagawa mo."

PONGS: "Nagugutom na ako eh."

Dumiretso kami sa parking area at sumakay na sa kotse. After few minutes, nakarating na kami sa UPTC. Good thing at hindi masyadong maraming tao.

Pagkalapag ng mga pagkain, nilantakan ko agad ito.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now