PART 22 - DATE

855 12 3
                                    

BEA POV

I was just watching the training, hindi pa kasi ako pwede makisali sa kanila. Hanggang nuod lang muna ako or di kaya pulot lang ng bola or taga abot ng bola.

Maganda na sana ang view, maliban lang dun sa isa na nasa gitna. Hindi siya kaaya-ayang tingnan. Nakakainit siya nang ulo.

Naiinip na ako, buti na lang nag whistle na. It means tapos na ang training. Kanya-kanyang ayos na ang lahat para makauwi na sa dorm.

Ako naman lumapit kay Maddie to help her keep her things. Pinahiran ko din yung pawis niya pero pinigilan lang ako.

Hindi ko alam kong mali ako nang pakiramdam, but I felt like parang iniiwasan ako ni Maddie and ang lamig niya towards me.

Kapag naglalambing ako sa kanya, she is not responding instead iniiwasan pa ako or minsan nga pinagbabawalan pa ako.

Noong una, hinahayaan ko lang kasi baka ako lang yung naninibago dahil kagagaling ko lang nang hospital. Pero habang tumatagal, napapansin ko na ang pagiging cold niya.

Kaya iniisip ko, baka kailangan ko pa mag effort baka kasi kulang pa yung effort ko sa kanya. Kaya I started making a move para magpaimpress sa kanya.

Yun nga lang yung una hindi naging kagandahan kasi yung donut, kinain ng isang magnanakaw na itago natin sa pangalang Jia Morado.

Naglalakad na kami pauwi ngayon sa dorm, kasabay kong naglalakad si Maddie. Nauna ang mga teammates namin. She was just quiet as usual.

Hindi siya masyado makwento kapag magkasama kami maliban na lang kapag ako na ang magsimula sa usapan.

BEA: "Babe, wala kang pasok today di ba?"

MADDIE: "Wala. Why?"

BEA: "Hehehehe... Magdate tayo."

MADDIE: "Saan naman tayo, pupunta?"

BEA: "Sa UPTC na lang para malapit."

MADDIE: "Sige."

Kaya naman masaya ako and excited kasi makakasama ko siya na kaming dalawa lang at wala ang mga teammates ko.

Pagdating ng dorm dali dali akong nagbihis at naghanda na para sa date naming dalawa. Syempre sinugarado ko na gandang gwapo ako at mabango.

Nauna akong bumaba sa sala at naghintay sa kanya. Nakakahiya naman kung siya pa ang maghihintay sa unang date namin after ko manggaling sa hospital.

Pagbaba niya sa hagdan, I was just looking at her. Maganda talaga siya, and I am so lucky to have her as my girlfriend.

BEA: "Alis na tayo?"

MADDIE: "Sige."

Naglakad na kami papunta kung saan naka park ang sasakyan ko. When we are both settled inside the car pinaandar ko na yung sasakyan.

Pagdating sa isang restaurant, sakto naman na konti lang ang tao, kaya hindi kami nahirapan makahanap ng magandang pwesto kung saan makakasama ko siya na walang istorbo.

Habang naghihintay ng order I look at Maddie infront of me.

MADDIE: "What? Bakit ganyan ka matingin sa akin? Nakakailang Beatriz ah."

I chuckled because I made her uncomfortable by just looking at her.

BEA: "Where do you want to go after this babe?"

MADDIE: "Ikaw ang bahala, wherever you wanted."

BEA: "Gusto kong mag arcade."

MADDIE: "Then, we'll go to the arcade."

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon