PART 48 - AGAIN

788 14 6
                                    

LIZ POV

After namin dumating sa Manila from Cebu, nagpaalam muna ako sa kanila na aalis. Hindi naman na nila ako pinigilian pa. I can see na they wanted to stop me, pero they just let me go.

Hindi ko na rin nakita si Jho kasi nauna siyang bumaba sa sasakyan. Wala na rin siya pagbaba ko. Sobrang bigat lang talaga ng pakiramdam ko.

After everything, hindi naman pala ako mahalaga para sa kanya. Walang halaga lahat ng meron kami, lahat yan walang kwenta at puro pagpapanggap lang.

Masama ang loob ko: Para saan pala ang mga pinagsamsahan namin, lahat ba yun lokohan lang? Alam ko naman na mali ako, wala akong karapatan na magdemand sa kanya kasi may Nico na siya.

Pero sana man lang bilang kaibigan naintindihan niya na nahihirapan ako kasi mahal ko siya. At kung meron mang higit na umunawa sana sa akin, siya yun.

Pero wala eh, tapos na ang lahat. Wala na, it's all over na. And just like that my heart is broken again for the second time around.

Sumakay na ako ng taxi going to a bar sa Makati. Madalas ako pumunta sa lugar na yun kapag magpapalipas ng init ng ulo at sama ng loob.

Tinawagan ko muna ang mga kaibigan ko na magmeet na lang kami dun. When I take a look at my watch: it's almost 5 ng hapon kaya bukas na yun pagdating ko dun.

After more than an hour sa traffic nakarating din. Pagdating sa loob, wala pa ang mga hinihintay kong kasamahan. As always, Filipino time. Kapag ang usapan ay 6:00, ganung oras palang sila aalis.

Kaya pumunta na ako sa dating pwesto namin. Kilala naman na kami sa lugar kaya alam nila kung saan ang pwesto namin.

Naka-limang alak na ata ako ng dumating ang isa sa mga kasama ko. Chillax na chillax pa ang lakad na akala mo walang naghihintay.

LIZ: "Jezzzz. Pambihira naman Laine, kanina pa ako andito bakit ngayon ka lang? Ang usapan 6:00 pm magkikita, eh mag alasyete na." (angil ko sa kanya)

LAINE: "Kalma parts, hindi ako ang kaaway mo." (dedma lang siya sa mga angil ko)

LIZ: "Tagal niyo eh. Para tuloy akong tanga na mag-isang umiinom dito at kinakausap ang sarili."

LAINE: "Awow, wala akong sinabi na kausapin mo ang sarili mo. Ang sabi ka darating ako."

LIZ: "Alangan naman ano gagawin ko dito?! Niisa sa inyo wala pang dumarating. Nakarami na  nga ako ng inom, akala ko hindi na kayo dadating eh."

Tiningna niya nag mga boteng wala ng laman at nagtaas ng kilay.

LAINE: "Hanep, hindi ka naman nagsusunog ng baga mo niyan. Naka-lima ka na agad." (napapailing na lang na wika niya)

LIZ: "Asan na si Cheyna? Bakit ikaw lang? Si angela, hindi na naman pupunta?"

Umupo na siya at kumuha narin ng isang bote at nilagok.

LAINE: "Si Cheyna ng tawagan ko bago pumunta dito ay nasa work pa. Pero maganda na rin na wala siya rito baka gahasain ka pa nun sa lagay mong yan, may kalasingan ka na eh. Hahaha."

LIZ: "Subukan lang niya, bago siya makalapit hahampasin ko siya ng baseball bat."

LAINE: "Hahaha. Kalma. Si Angela naman, baka pinag-aaralan kung paano ipapasalvage si Cheyna. Hahahaha. Hindi sinasagot ang tawag eh."

LIZ: "Walang kwenta talaga ang dalawang yun kahit kelan. Puro na lang silang dalawa drawing sa mga lakaran." (reklamo ko sa kanya)

LAINE: "Ano ba atin? Bakit may biglaang palasing ka, mayora?"

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon