PART 10 - BALCONY

969 16 6
                                    

PONGGAY POV

LIZ: "Ano ba Jhoana Louisse, umalis ka nga sabi eh. Ang lapad at ang daming upuan, doon ka nga."

Naiinis na wika ni Liz sa malakas na boses. Kulang na lang ay sakalin at sipain na niya si Jho para umalis sa pagkakaupo sa lap niya.

JHO: "Ayoko nga, dito lang ako. Ang lambot kaya ng upuan ko."

Tuwang-tuwa naman si Jho at feel na feel ang pagkakaupo sa lap ni Liz at hindi alintana ang inis nito.

LIZ: "Jhoana, hita ko yan, hindi yan upuan. Letche ka. Umalis ka sabi eh."

Nang-gagalaiti nang sabi ni Liz sabay tulak dito. Pero hindi pa rin natinag si Jho, kumapit pa ito lalo sa upuan para hindi siya maitulak.

Samantalang pinapanuod siya ng ibang teammates ko at natutuwa sa mga nasaksihan.

Yan ang eksenang naabutan ko sa sala habang pababa ako mula sa kwarto. Nagtatalo na naman ang Jholiz. Yan na ata ang 'way of landian' nilang dalawa.

LIZ: "Bakit hindi ka kaya dun magpakandong sa Nico mo, total yun naman ang jowa mo. Hindi yang ako ang inaabala mo dito at gagawing upuan ang lap ko."

Naiinis na wika ni Liz, na salubong na ang kilay. Pero si Jho dedma lang na parang walang narinig.

JHO: "Payakap nga babe."

Sabay lingon kay Liz at akmang yayakap nga siya dito. Pero iniangat na ni Liz ang kamao niya it iniumang na kay Jhoana nang may kasamang pagbabanta.

LIZ: "Subukan mo lang Jhoana, sasapakin ko yung pagmumukha mo. Kanina ka pa ah."

Pero tumawa lang nang malakas si Jho at hindi na lamamg itinuloy ang pagyakap dito. Pero nanatili lang itong nakaupo sa lap ni Liz.

MADDIE: "Asus, nako naman, Liz. Kunyari ka pang ayaw mo sa ginagawa ni Jho. Eh yung totoo naman gustong-gusto mo yan. Huwag ka nga mag inarte. Pabebe ka pa."

TREY: "Hahahaha... Bet na bet niya yan twinnie. Kunyari lang yan na ayaw niya."

Pang-aasar ni Maddie at ate Trey kay Liz, at tinatawanan pa siya.

LIZ: "Tigilan mo ako ice queen ah, lalo ka nang TREX ka. Hindi ko kayo ina ano diyan. Baka gusto niyong sipain ko kayong dalawa."

Asar-talo na si Liz. Hindi lang makahirit kasi nakaupo sa lap niya si Jho.

JHO: "Babe, mas mahaba yang paa ni Maddie sayo, baka kapag sinipa mo yan nauna ka pang tumilapon dahil nasipa ka na niya. Hahahahaha."

MICH: "Oo nga naman Liz. Lugi ka diyan kapag yan ang sinipa mo."

Nakaupo ako sa tabi ni Deanna na tahimik lang habang nagmamasid at nakikinig si Deanna sa kanila.

DEANNA: "Good morning."

Bati ni Deanna pagkaupo ko sa tabi niya. Then, ngumiti siya sa akin. Kaya ngumiti ako ng pilit sa kanya.

PONGS: "Good morning din."

Sakto naman na pababa si Bea at Jia mula sa room nila. Magkahawak kamay ang dalawa at nagkukulitan.

"Ang aga-aga naglandian na naman ang dalawang to. Walang pakialaman sa paligid laging may sariling mundo."

TREY: "Hay naku, andito na ang dalawang malandi. Woy, ang aga-aga tigil nga kayo."

BEA: "Sus, you're just jealous. Bakit hindi mo na sagutin si Tyler para may kalandian ka rin at hindi ka diyan bitter saming dalawa ni Jia."

Dahilan para magtawanan silang lahat.

ELLA: "So what's the plan for today guys? Wala tayong training, wala rin klase, ayoko magmukmok dito sa dorm maghapon ah."

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon