PART 79 - CHANCE

427 11 6
                                    

This part is dedicated to iamirishjoy2
Di ko nga lang alam kung maeenjoy mo yung story......

Have a nice day and thank you for reading my stories....
-------------------------------------------------------------

MADDIE POV

Hindi ako nakatulog magdamag. Una dahil sa pag-alala kay Jia. Pangalawa kakaisip kay Ponggay. Dapat kagabi nakaplano na ako na sabihin sa kanya kaya lang nagkaaberya naman.

Nang tingnan ko ang oras, alas 3:00  palang. Since hindi naman makatulog minabuti kong bumangon at pumunta sa kitchen para magkape.

Kaya lang pagbaba ko, naabutan ko ang teambesh kasama si Bea.

"Don't tell me hindi nakatulog ang mga ito?!" (usal ko sa isip)

MADZ: "Hindi ba kayo natulog?"

Pukaw ko sa atensiyon nilang lahat. Kaya napatingin ang mga ito sa direksiyon ko.

Si ate Ella umiling lang at pero hindi na kumibo. Si Bea nasa sofa at sambakol ang mukha.

Mukhang hindi natulog ang teambesh para magbantay kay Bea. Malamang inasahan na nila na lalabas si Bea para hanapin si Jia.

MADZ: "Magtitimpla ako ng coffee, gusto niyo po ba?"

They all nodded. Si Bea tahimik at hindi kumikibo. Umalis na ako at dumiretso sa kusina. After few minutes dinala ko na ang coffee sa kanila.

Si Bea nilapitan ko at inabutan ng coffee pero inilatag lang niya sa table.
Then, tumayo siya.

BEA: "I can't just wait here and maghintay kung darating ba siya or hindi. I can't just wait for that chance. She is missing and I need to find her."

LY: "Hindi ka pwedeng lumabas. Delikado. Kaya hayaan mo na ang mga pulis para maghanap sa kanya."

BEA: "Mababaliw ako ate Ly habang naghihintay lang ng ganito. Jia needs me. I need to find her."

Halos naiiyak na siya. She looks so tired and stressed.

DEN: "Lahat tayo nag-aalala para sa kanya. Pero mas magiging mahirap kung pati ikaw ay kailangan naming hanapin."

BEA: "Kailangan natin siya hanapin. Paano kung dinukot siya? Paano kung sinasaktan siya ng mga ito at binubugbog? Paano kung pinahihirapan siya?"

Sunod sunod na tugon niya at tuluyan ng bumuhos ang mga luha niya. Kaya naman ay nilapitan siya ni ate Den para yakapin.

Humagulhol na siya ng iyak. Pinahid ko ang luha ko. Nakakaawa kasi siya at the same time nag-aalala rin ako para kay Jia.

BEA: "It's all my fault. If I did not argue with her yesterday this should not happen. Hindi sana siya umalis. I could have just lower my pride yesterday instead of shouting at her. But I was too selfish, I even throw her phone because of anger."

She was pouring her heart out. And ate Den and ate Ly was patting her back to comfort her.

LY: "Jia will be fine. Kaya kumalma ka na."

BEA: "Hindi ko na dapat siya inaway. Hindi na dapat ako nakipagtalo. Dapat inintindi ko na lang siya. Dapat hindi ito nangyari."

DEN: "Tama na. Mahahanap natin si Jia at magiging maayos ang lahat. Hindi natin patitigilin ang mga pulis hanggat hindi natin siya nakikita."

Hindi na siya kumibo puro hikbi na lang niya anh naririnig. Yakap siya ni ate Den. Kaya nagtinginan na lamang kami. We feel Bea's pain. Ramdam namin yung hirap niya.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now