PART 81 - TEAM

448 11 4
                                    

MADDIE POV

Nasa hospital kami ngayon, isang linggo na ang nakalipas mula nang dalhin sa hospital si Jia. Until now ay nasa ICU pa rin siya.

Samantalang si Bea ay nasa loob rin ng ICU. Nakaupo siya sa gilid sa mismong tabi ni Jia. Even until now, hindi pa rin namin siya nakakausap.

Sabi ng doktor, mas nag-improve ang condition ni Jia mula nung dalhin siya sa ospital pero maselan pa rin ang kanyang kalagayan.

Any moment ay pwedeng magbago ang kanyang kondisyon at maari rin itong lumala. Kahit hindi namin exactly alam ang kondisyon ni Jia alam namin ang mapanganib na kalagayan niya.

Ang hirap lang paniwalaan na ganun kabilis magbago ang lahat. Parang nung isang araw lang ay kasama namin siya sa team at nasa dorm at nagkakatuwaan.

Kasama namin siyang kumain, kakuwentuhan, kakulitan at katawanan. And all of sudden ay nasa ICU siya ngayon at wala paring malay kahit isang linggo na ang nakakalipas.

Pagdating namin kanina sa ospital ay pinayagan naman kaming pumasok sa ICU, para lapitan si Jia. Pero paisa-isa nga lang.

Though mas pinili naming huwag na lang pumasok sa loob dahil sa maselan niyang kalagayan. Mas makabubuti na konting tao lang ang labas pasok sa ICU.

Nakuntento na lang kami na pagmasdan siya mula sa pintuan. And seeing her, kahit sa malayo ay hindi ko napigilan ang sarili na mapaluha.

Nung una, halos parang ayoko siyang tingnan. Seeing the reaction of the team ng mga naunang tumingin sa pinto ay hindi ko na mapigilan na mapaiyak.

Pero pinilit ko ang sarili na tanawin si Jia at sobrang bigat sa loob na makita siya sa kanyang higaan at maraming nakakabit sa katawan niya. Bigla akong naghina.

Dinig ko rin lahat ng teammates ko ay napaiyak at kita ko sa mukha nila ang panlulumo. And I feel the same way too.

Dahil ako ay nakaramdam ng panghihina, naglakad ako at naupo sa katabing bench. Feeling ko kasi any moment ay babagsak ako.

I never felt this pain before, ngayon lang ako nanghina at nasasaktan na parang ayaw ng tumigil ng luha ko sa sakit.

Tuluyan na ring umagos ang mga natitirang luha ko ng marinig ang hagulhol ni ate Ella. Literal talaga siyang humagulhol.

Maloko si ate Ella, lagi nagpapatawa pero sa totoo lang siya ang pinaka emotional sa team pagdating sa mga ganitong bagay.

At yung iyak ni ate Ella ay nasundan na rin ng hikbi ng iba. Tuluyan ng bumuhos ang mga emosyon na sa dorm palang ay pilit na pinipigilan.

Hinawakan ko ang aking dibdib kasi parang bigla itong naninikip sa sakit. Napakuyom ako ng mga kamay trying to stop the pain inside.

Pero ang hirap pigilan ang sariling damdamin. The more na pinipigilan ko, the more lang na bumubuhos ang emosyon.

Tumayo ako at naglakad, looking for a chapel. I just feel the need to pray.

JHO: "Saan ka pupunta?"

MADZ: "Chapel."

Matipid kong sagot. Nagpatuloy na ako sa paglakad. Yung iba sumunod na rin sa akin. Kaya kanya kanya kaming luhod nang makapasok sa chapel.

For a very long time, ngayon ko lang ulit naramdaman yung feeling nang pangangailangan. Yung desperate feeling that you needed God for a moment.

I do pray everyday, but it seems like a routinary thing na pagdarasal. But this one is a very intimate one. Ito yung ramdam ko na kailangan ko ang Diyos. And you desperately really hope that he somehow listens.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now