PART 63 - DESERVE

655 13 1
                                    

MADDIE POV

I was here at the hospital right now. Si Liz kasi gusto siya ang magbantay kay Jho and kailangan ng kasama. Si ate Ly kasi kami ni Ponggay ang pinagsama niya na tutulong kay Liz.

Gusto ko sana na tumutol kasi with what is going on right know I think its better na sumunod na lang at walang gulo.

Until now, hindi pa rin nagigising si Jho pero okay naman na daw siya sabi ng doctor. She doesn't deserve to be there. Jho is such a nice person.

Good thing na lang at nadala agad siya sa hospital dahil kung nahuli pa ng konti ay baka hindi na siya maisasalba pa.

Any moment ay maaaring magising na siya. And lahat kami ay wala paring malinaw na alam at ideya sa nangyaring insidente.

Ang malinaw lang sa ngayon ay mas lalong naghigpit ng security kasi inaalam pa ang buong sitwasyon at wala pang kasagutan sa lahat.

Hindi kami pwedeng umalis na walang kahit anong security or sino mang kasama. We don't deserve this.  Wala naman kaming kaaway. Kahit kelan hindi nasasangkot sa gulo ang team.

I don't know why all these things happened. Sunod-sunod ang mga masamang pangyayari sa team na wala paring malinaw na kasagutan.

Mula sa pagkakabugbog ni Bea at Liz, sa car accident ni JohnVhic at Liz at ngayon ang tangkang pagbaril kay Liz at si Jho ang sumalo.

Ending nansito kami ngayong tatlo at magkasama sa hospital para bantayan si Jho. Wala kasi akong pasok magdamag today at ganun din si Ponggay.

Until now, I felt so awkward towards Ponggay dahil sa nangyari sa condo unit niya. Kaya naman madalas kung iniiwasan na magkasama kami or magkatabi.

Every night nananariwa sa alaala ko ang namagitang halikan. Hindi ko alam bakit hindi siya maalis-alis sa utak ko. And every time I saw her, bumabalik sa alaala ko ang lahat. It seems like it has printed a mark somewhere in my mind.

Kaya yung panahon at oras ko ay ibinuhos ko na lang kasama si Zoey thinking na sa ganoong paraan ay tuluyan itong mawala sa utak ko at makalimutan ko as time passes by.

But I was wrong, kasi namiss ko din yung presensiya ni Ponggay. Yung kakulitan niya, yung kaingayan at kadaldalan niya. Yung madalas namin na pag-aaway at pagtatalo.

Hindi naman unusual yun kasi bago pa ang insidente sa condo niya ay naging close naman kaming dalawa. Kaya normal lang din na manibago ako dahil hindi na kaming dalawa magkakausap.

And now, it has been an hour na magkasama kaming dalawa pero never pa kaming nagka-usap. Kahit simpleng hi and hello, wala talaga. Tahimik siyang nagbabasa ng dyaryo sa kabilang sofa.

When I take a look at the clock, it is 10:00 am na at kumukulo na rin ang sikmura ko. Gutom na ang mga alaga ko sa tiyan. Kaya naisipan ko na bumili muna ng makakain namin.

MADDIE: "Liz, anong gusto mong kainin? Bibili ako sa baba ng makakain natin."

Lumingon lang siya sa akin at sabay umiling at humarap ulit kay Jho. She was caressing her in the head. She was just blankly staring at Jho while holding her in the hand.

I turn around at Ponggays' direction at nagdadalawang isip ako kung yayayain ko ba siya or tatanungin na lang kung ano ang gusto niya ipabili.

Umurong yung dila ko, hindi ko kasi alam kung paano siya kakausapin. Sobrang awkward talaga ang pakiramdam ko.

Pero bago pa ako makapagsalita ay biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang mukha ni Zoey na ngumiti ng malapad ng makita ako.

Kasunod naman niya si Kobe na may dalang pagkain. Lalo tuloy kumulo ang sikmura ko.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon