PART 67 - MESS

729 20 12
                                    

MADDIE POV

I am having my examination right now. It has been three days na rin mula nang mangyari ang naging confrontation sa dorm.

And nakakasakit sa utak ang magsagot sa mga tanong sa exam na hindi ko maintindihan. And halos mag isang oras na ako pero hindi pa rin tapos.

I was trying hard to recall everything I could remember about the lesson but all I could remember was the conversation with Ponggay.

Nagbasa ako for three nights to prepare pero lagi nagugulo ang utak ko ng namagitan sa amin ni Ponggay nung nakaraang araw. I was shocked for her revelation at hanggang ngayon may aftershock pa ata.

I didn't know she felt that way for me. And I felt so stupid kasi I saw pain in her eyes because of the bad things I said to her.

It was unintentional on my part, bigla lang kasi lumalabas sa bibig ko ang mga yun. But of course alam kong may mali naman talaga ako sa mga nangyari that day. I am such a mess.

Pero dahil nabitawan ko na hindi ko na mababawi pa. At tuwing naaalala ko yun, I felt really bad. Dagdagan pa na hindi na siya umuwi sa dorm at pangatlong araw na ngayon at wala man lang akong balita sa kanya.

Kaya all night long, my mind was too occupied that I could not even concentrate until now. But somehow kahit papano ay may mga lumalabas namang sagot sa utak.

Kaso nga lang, naubos na ata ang laman ng utak ko kakasagot. Kaya ng matapos ang exam ay agad ko ito ipinasa at lumabas na ng room.

Dumiretso agad ako sa canteen, bigla ako nakaramdam ng gutom. While eating bigla tumunog ang phone ko. It was Zoey, nangangamusta lang.

May vacation siya sa province kasama ang family niya. May reunion daw ang mga ito. And she will stay there for a week pa.

Kaya naman, ay walang sawa ito kakatext at kakatawag from time to time sa akin para lang to check and namiss daw niya ako.

To the point na parang naiirita na ako dahil nakukulitan ako sa kanya. Kaya hindi ko na lang siya nireplayan, pero tumawag siya at hindi ko na lang sinagot.

Hinayaan ko na lang siya at nagtuon na lang ng pansin sa pagkain. Sakto naman na papuntang canteen ang jowang naglalandian.

JIA: "Hi Mads. Mag-isa ka ata?"

Nakangiting wika ni Jia at kasama si Bea.

MADDIE: "Kung ibinigay mo ba naman sa akin yang jowa mo eh di sana hindi ako mag-isa ngayon."

Pagbibiro ko sa kanya na nagpatawa sa singkit niyang mata. Naupo silang dalawa sa harap ko. And Bea looking at me quizzically.

BEA: "Asan na ba si Zoey?"

Taas kilay na wika niya.

MADDIE: "Nasa province kasama ang family members. May family gathering."

Walang gana kong sagot sa kanya.

JIA: "Kumusta pala ang exam mo?"

MADDIE: "Ewan ko dun. Ang hirap."

BEA: "Order lang ako food. May ipapadagdag ka pa ba Mads?"

Biglang wika ni Bea.

MADDIE: "Libre mo?"

BEA: "Oo na."

MADDIE: "Yun oh, I love you."

JIA: "Hoy Madayag jowa ko yan."

Biglang angil ni Jia at sinamaan ako ng tingin. Ngumiti na lang ako sa kanya.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora