PART 43 - KISS

904 17 4
                                    

PONGS POV

"Grrr. Nakakainis si Deanna, bakit wala man siyang kinikwento sa akin na may girlfriend na siya?" (naiinis kong usal sa sarili)

Naiinis talaga ako, akala ko ba magkaibigan kami, pero bakit siya naglilihim sa akin. Hindian lang nagsabi na may girlfriend na pala siya.

Tapos yung kape na itinimpla ko, iniwan lang niya para lang sumama dun sa babeng panget na yun. Nag efgort akong magtimpla tapos, binalewala lang niya.

Lalo pa ako nainis kasi yung shokoy nang-aasar pa. Sabihan ba naman akong nagseselos dun sa panget na kasama ni Deanna. Hindi naman totoo.

Sa sobrang inis, pinang gigilan ko ang hawak na tsinelas at ibinato, sakto naman na dumaan yung shokoy kaya tumama sa balikat niya.

Paano ibinato ko dun sa daan ang tsinelas, malay ko ba namang may biglang lalabas at doon dadaan. At sa kagandahan, yung shokoy pa ang dumaan.

MADDIE: "Aray."

Napangiwi ako ng mapa-aray siya, kasi alam ko na next na mangyayari.

PONGS: "Patay."

Pagkapulot ng tsinelas, tumingin siya sa direksiyon ko at ang sama na ng tingin. Hindi na ako nagbilang ng tatlo, kumaripas na agad ako ng takbo.

Yun lang dahil sa takot at katangahan, hindi ko tiningnan yung dinadaanan ko kasi na kay Maddie ang atensiyon ko na tumatakbo na papunta sa direksiyon ko.

Hindi pa ako nakasampung hakbang, natisod ako bigla at nadapa.

PONGS: "Aray ko."

Naunang nasubsob ang tuhod ko, naramdaman kong humapdi.

At ang masaya nito, nandun ang mga teammates namin sa kabilang cottage at nakita pala ang nangyari. Imbes na tulungan ako, ang lakas ng tawa nila.

MADDIE: "Wahahahaha.... Buti nga sayo. Hahahaha... Ang laki mong tanga. Hahahaha."

Yung shokoy tawang-tawa at hawak hawak pa ang tsinelas ko na binato ko kanina.

TREY: "Anong ginagawa mo diyan Ponggay? Ang aga aga bakit sa buhanginan ka?"

Pagtatakang wika ng ate ko, at nakakunot pa ang noo. Hindi niya nakita ang pangyayari dahil kararating lang niya kasama si Jho. Naglibot libot ata silang dalawa.

MADDIE: "Paano twinnie, hahahaha... Umandar katangahan ng kapatid mong unggoy. Tumakbong mabilis, ayan nadapa. Hahahaha."

Natatawa paring wika niya. Yung teammates ko hindi pa rin natapos sa kakatawa. Kaya inilabas ko ang dila ko at ibenelat sa shokoy.

Lumapit ang ate ko at tinulunga ako tumayo. Kaso pagkatayo, hindi ko madiretso yung tuhod ko kasi may gasgas. Namumula at mahapdi.

PONGS: "Aray ko ate, masakit." 😭

Pagmamaktol ko sa kanya at hindi naman pinansin ang pag ngawa ko.

JHO: "Bakit ka ba naman kasi tumakbo? Alam mo namang lampa ka sa ganyan. Yung naglalakad ka nga lang nadadapa ka pa, yung pagtakbo pa kaya."

Panenermon ni Jhoana at tinulungan ako maglakad.

JIA: "Nako Jho, may kakambal yan si Ponggay sa kalampahan, si Bea. Hahaha... Isa din yun, kung hindi nadadapa, nauuntog. Hahahaha."

Kantiyaw ni ate Jia sa akin at tawa ng tawa paharap kay ate Bea. Si ate Bea naman sumimangot at nag smirk pa. Pero lalo lang natawa si ate Jia.

MADDIE: "Hahahaha... Unggoy na tanga, tapos lampa pa. Hahahaha... Ano ka ngayon?! Hahaha."

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now