PART 33 - HURTING

852 15 1
                                    

DEANNA POV

I am here on my bed, kararating ko lang from UPTC. Kasama ko ang grade school na friend ko from Cebu.

Dumating kasi ang family niya the other day pa dito sa Manila, so we do the catching up thing.

I don't actually have the plans na makipagkita sa kanya today, supposedly ay sa weekend pa, kaya lang may isang hindi kaaya-ayang pangyayari.

Flaahback...

Katatapos lang ng unang klase ko sa morning, sakto paglabas nakasabay ko sa hallway si Ponggay and bigla ito nagyaya.

PONGS: "Bb, sabay tayong kumain, wala ako kasama eh. Nagugutom na kasi ako."

DEANNA: "Sorry, hindi ako pwede now, may next class will start in few minutes."

Bigla siya nagpout ng lips kunyari nagtatampo.

DEANNA: "Alam mo namang hindi tayo pwede umabsent sa klase."

That's right, hindi kami pwedeng mawala sa mga classes or else malalagot kami sa athletics office. Kaya kahit gusto ko man siyang samahan, wala naman ako magagawa.

Isa pa, bihira na lang kaming dalawa na magkasama ngayon. Kasi mas madalas na niyang kasama at kausap si Maddie.

PONGS: "Ako na nga lang kumain mag-isa."

Kaya umalis ito na nakapout pa rin ang nguso niya. Hindi na rin ako pinansin pa.

Kaya dumiretso na ako sa assigned room ko. Pero hindi pa uminit ang pwetan ko sa upuan may biglang pumasok sa room and informing us that the professor will not be coming.

Instead, he asked as to go to the library and research about our papers na kailangan i-submit next week. Kaya dali dali akong lumabas ng room para sundan si Ponggay.

I am sure hindi pa yun nakakarating sa canteen, kaya maabutan ko pa siya.  Pagkakataon ko na makasama siya ulit. Kaya tumakbo ako ng mabilis para maabutan siya.

Pagkaliko ko sa huling kanto, hindi ko nagustuhan ang nakikita ng mga mata ko. Yung excitement ko napalitan agad ng pagkairita.

Why? Because I saw Ponggay together with Maddie. And they were heading towards the canteen. In short, magkasama na naman silang dalawa at mawawala na naman ako sa eksena, as always.

Seeing them together, that familiar feeling of hurt inside, nararamdaman ko na naman. Noon ko pa nararamdaman ang ganito. Simula nung dumating sa buhay niya si Basti.

Hanggang sa naging malapit sila ni Amy at ngayon na mas naging close na siya kay Maddie. Mas lumalala siya habang tumatagal.

Kung noon nakakaya ko pang dayain ang sarili ko na okay lang, na kaya ko. Pero ngayon, hindi ko na alam. Lalo kay Maddie, nagseselos ako sa kanya ng sobra.

And of all people na pwede niyang makasama, si Maddie pa talaga. Ang bilis naman niyang maghanap ng makakasama.

Instead na tumuloy sa canteen, I headed the other way around and dumiretso na papuntang library. Sakto naman na may nagtext habang papunta ako.

"Babs, freetime mo ba? Baka pwede tayo magkita today?"

Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa, nagreply ako na magkita na lang kami sa UPTC. Since wala naman na akong ibang magagawa, might as well spent the time na lang para maglibang.

Isa pa namiss ko na rin naman tong baliw na friend ko. It's been a long time rin naman na nakasama ko siyang makagala at makakwentuhan lang ng walang kakwenta kwentang bagay.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now