PART 19 - TEARS

755 16 3
                                    

Thanks to @Renselle21 for the new cover page po ng All I Ever Need.

------------------------------------------------------------

PONGGAY POV

Andito kami ngayon sa dorm sa may sala. It has been more than a week na nang makalabas si ate Bea from the hospital. Nag stay muna siya sa bahay nila para magpagaling.

And now, is her first day dito sa dorm. Pero she is not allowed yet to play or to train with the team. Baka kasi manibago yung katawan niya.

Maybe going back to her usual world, would help her remember a lot of things she had forgotten. Kaya pinayagan na siyang bumalik sa dorm.

Andito din si ate Jia, she is just silently sitting and listening katabi ni ate Ella at ate Mae. After nang mga masaksihan nila sa hospital ni ate Ella, hindi na bumalik dun si ate Jia.

Mas makabubuti kasi sa kanya, na umiwas na lang muna para hindi siya lalong masaktan. Lalo at naging sobrang clingy and sweet ni Bea ngayon kay Maddie.

Actually magkatabi ang dalawa, nakasandal pa sa balikat ni Maddie ang ulo ni Bea and minsan ninakawan niya nang halik sa cheek si Maddie.

Pinandidilatan lang siya nang mata ni Maddie pero ngiti lang ang tugon ni Bea. She is enjoying what she is doing. And hindi yun lahat nakatakas sa mga paningin ni ate Jia.

Hanga din naman ako kay ate Jia, paano niya nakayanan ang lahat nang ito? Paano niya natiis ang mga ginagawa ni ate Bea?

BEA: "Namiss ko tong dorm guys."

Masayang wika ni ate Bea at iginala ang mga mata sa paligid. Na para bang ang tagal niyang nawalay sa lugar.

ELLA: "Yung dorm lang Bey?"

MAE: "Yung dorm lang at tsaka kaming lahat, maliban sayo bansot."

Kaya nagtawanan ang lahat just like what we always do. Pero ramdam mo din yung bigat nang kalooban nila for ate Jia.

The whole time wala akong ginawa kungdi ang tingnan lang si ate Jia and how she would react sa mga nakikita niya at naririnig.

Lalo ngayon at si Bea, nagsisimula na namang maglandi kay Maddie.

BEA: "Babe, pasyal tayo mamaya. Ikot tayo sa skul."

MADDIE: "Hindi pwede. Hindi ka pa pwede mapagod."

BEA: "Tskkk. Kaya ko yan. Okay na ako babe. Kahit ikutin pa natin yung buong campus basta kasama lang kita. Kaya ko yan."

And the atmosphere in the sala has become awkward. Hindi malaman nang lahat kung paano na magreact sa sitwasyon. Buti na lang talaga si ate Ella ay nandiyan.

ELLA: "Yang mga damoves mo De Leon ang corny."

Sabay bati kay Bea nang unan to stop her from what she is doing. Nakita ko rin kung paano ni ate Ella tapunan nang tingin si ate Jia at pilit namang ngumiti lang si ate Jia.

MAE: "Inggit ka lang Jorellang bansot ka, palibhasa di ka kasi marunong magdamoves and alam mo lang kung paano lantakan ang mga pagkain."

Sabay tawanan ang lahat and the moment of awkwardness was broken.

ELLA: "Atleast busog ako. Food is life. Ikaw kapre na payatot, kasi walang makain."

LY: "Hay nako naman besh Ella, kapag kainan talaga ang usapan buhay na buhay ka. Kapag sa klase, tulog ka."

ELLA: "Sabi kasi ng prof magbehave lang at huwag maingay. Kaya tahimik ako, tulog."

Dahilan para batuhin siya ni ate Mae nang unan. Napailing na lang yung iba kay ate Ella, ibang klase pagkabully at pilosopo. Wala siyang katulad.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon