PART 32 - MODE

953 15 0
                                    

PONGGAY POV

Andito kami ngayon sa sala and bullymode ang lahat kaya tuloy  nagkakagulo at nagkukulitan. Paano, si ate Ella kung anu anong kalokohan ang naiisip.

ELLA: "Pongs, bakit ka nagalit kay Deanna sabi ni Maddie?"

PONGS: "Ito kasi ang ingay ng bibig eh. Bakit mo kasi sinabi?"

Angil ko kay Maddie. Paano naman kasi, kinuwento niya yung nakita namin si Deanna na may kasamang girl sa UPTC. Tapos, ginawan pa niya ng issue na nagalit ako.

Kaya pinalo ko siya ng unan, di nga lang tumama sa kanya.

MICH: "So totoo nga nagselos ka?"

PONGS: "Hindi ah. Gawa gawa lang ni Maddieng kawayan yang kwento na yan."

Pinandilatan ko ng mata si Maddie, paano kasi tuwang tuwa pa siya.

PONGS: "Kasalanan mo to eh. Ako tuloy pinagtritripan nila ngayon."

ELLA: "Nako, PongWong na ba ulit? Pero mas bagay ang Pongddie eh. Hahaha."

MADDIE: "Yuck, walang Pongddie. Ayoko ng baliw."

PONGS: "Maka yuck ka, para akong bacteria ah."

Tiningnan ko siya ng masama, ang arte arte pa ng pagkakasabi niya ng yuck.

LY: "Daming satsat Ponggay, asan na ba si BB mo?"

Biglang singit na wika ni ate Ly.

PONGS: "Hindi ko siya BB. Hindi ko siya kilala."

Nainis ako, paano naalala ko na naman na nagsinungaling siya. Nakakainis talaga, mas pinili pa niya samahan ang panget na yun kaysa sa akin.

ANA: "Nako, nagalit na. Lagot ka Deanna, huwag ka na uuwi dito ngayon. Galit na si BB, hahahaha."

DEN: "Kawawang Deanna, na BBzoned na nga, ngayon naman 'who you?' na?"

MAE: "BB Deanna mo Pongs may iba nang BB. Hahaha. Ipinagpalit ka, ang sakit nun ah."

Kasalanan to ni Maddie eh, ayan tuloy napagkaisahan ako.

PONGS: "Tssseeee. Wala akong pakialaman sa kanilang dalawa. Magsama sila ng babae niyang panget."

ANA: "Aray ko, may babae si Wong. Ayaw na nga niya sayo. Hahaha."

MADDIE: "Hindi naman panget yung kasama ni Deanna ah. Ang ganda at ang sexy nga eh."

ELLA: "Nako Pongs, maganda at sexy daw. Goodbye BB na nga. Kawawa ka naman wala ka nang BB."

MICH: "Meron pa po siyang BB ate Ells."

ELLA: "Sino naman?"

MICH: "Si BB Maddie. Lagi na silang magkasama ngayon eh. Baka nagkakamabutihan na kayo ah. Hahahaha."

MADDIE: "Duh, hindi ko BB ang baliw na yan noh. Baka BBigwasan ko pa yan dahil sa kaingayan niya."

PONGS: "Ang sweet mo talaga Madayag. Sarap mo sipain."

JULES: "Hahaha... Kapag kayo nagkatuluyan, araw araw may giyera sa bahay niyo."

ELLA: "Di lang sila ang may giyera sa bahay. Lalo pati ang Jholiz, kapag sila ang magkatuluyan may paglalamayan na isa. Hahahaha."

LIZ: "Dun na si Jhoana sa Nico niya. Yung Nico niyang mukhang badeng."

JHO: "Hindi badeng yun."

Sinamaan ng tingin ni Jho si Liz.

LIZ: "Ikwento mo sa pagong."

Pero dedma lang si Liz at walang balak bawiin ang sinabi.

JHO: "Ikaw na lang magkwento sa pagong, total kamag-anak mo naman ang mga pagong."

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now