PART 55 - MATURE

782 17 3
                                    

PONGGAY POV

Lahat kami nakatingin sa taong kararating lang sa dorm. May dala siyang bouquet of flowers at nakapostura pa talaga.

Well, hindi na masama, ang gwapo naman kasi ng bagong dating at hinahanap si Liz.

Ang masama, yung mukha ni ate Jho. Salubong ang kilay at ang sama ng tingin sa bagong dating at hindi man lang inaalis ang tingin dito.

Mukha kasing sa porma nito ay may planong manligaw. Kawawang ate Jho, nakalimutan na nga ni Liz tapos ngayon mukhang may karibal pa.

LY: "Hmmm. Johnvic, bakit ka pala andito at hinahanap si Liz?"

JOHNVIC: "Hmmm... Kung okay lang sana sa inyo. Pwede ko ba siyang mayayang lumabas? Kahit dito lang sa campus ng ateneo."

Formal nitong wika pero makikita mo ang ngiti sa mga mata nito. Sakto naman na pababa si Liz. Kaya pagkakita kay Johnvic, lumapad ang ngiti nito.

Tumayo si JohnVic at lumapit si Liz sa kanya. Iniabot ni Johnvic ang flowers sabay kiss sa cheek nito.

JOHNVIC: "For you."

LIZ: "Thank you, hindi ka na dapat nag-abala pa."

Nakangiting wika niya rito sabay kuha sa bulaklak. Inoobserbahan ko lang si ate Jho, napayuko siya as if she is avoiding the scene.

JOHNVIC: "Ok lang ba kung yayain kitang lumabas today?"

Wika ni Johnvic na nagpa-angat sa tingin ni ate Jho. Seeing her expression: "Is she hurt? She definitely looks hurt." (sabi ng isip ko)

LIZ: "Ate Ly, pwede po ba kaming lumabas? Dito lang po kami sa campus."

LY: "Sige. Pero JohnVic dito lang sa school ah."

JOHNVIC: "Noted po."

Then, lumabas na sila ng dorm. Kaya naiwan kaming nabigla lahat. Yung tinginan, alam mong pareho ang tanong sa isip.

When I take a look at ate Jho, she looks sad. Well, more of hurt. Lagi na lang siyang malungkot simula ng mag-away sila ni Liz.

I don't know why she is acting like that, alam kong close sila ni Liz and it is really bad na hindi siya maalala nito sa lalim ng pinagsamahan nila bilang magkaibigan.

Pero her demeanor and actions it says more than a friend. Yung halikan sa pagitan nilang dalawa na nasaksihan namin, yung sweetness nila kapag sila lang, the sadness in her eyes ng magtalo sila and the hurt I am seeing right now.

"Hindi kaya, may gusto talaga siya kay Liz? Hindi kaya mahal na niya ito? Pero possible ba yun? Kasi may boyfriend siya, si Nico. And mahal niya si Nico. Mahal nga ba niya?" (sabi ng utak ko)

Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan, nakaupo siya sa tabi ni ate Trey at malayo ang tingin.

When I take a look at my teammates, tahimik lang din sila. Siguro hindi rin malaman kung ano ang sasabihin.

JHO: "Akyat lang muna ako sa room. Matutulog lang ako."

Sabay tayo at umakyat na. Kaya lahat kami napabuntong hininga na lang.

MICH: "Wala man lang ba tayong gagawin?"

DEN: "Wala. It is because, things are complicated."

TREY: "Paano si Jho? Hindi pwedeng hayaan na lang natin siyang ganyan."

MADDIE: "Yeah. Simula ng mangyari ang Cebu, everything has changed about her."

LY: "Ano naman ang pwede nating gawin? As you can see, may amnesia si Liz and worst thing nag away sila bago mangyari itong lahat."

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon