PART 73 - CHAOS

612 15 18
                                    

At dahil nanalo ang ateneo today para po sa inyo ang update na ito.
Lubusin ang kasiyahan.

Congrats ALE!!!

Kaso di natapos ni author panuorin ang game... 😂😂😂
-------------------------------------------------------------

MADDIE POV

Nasa sala ako habang nakaharap sa laptop ng dumating si Liz. As usual mukhang mainit na naman ang ulo niya. Naupo siya sa sofa at kunot ang noo at labas ang nguso.

MADDIE: "Okay ka lang Liz?"

Pagkuha ko ng atensiyon niya. Tumingin siya sa akin ng saglit bago nagsalita.

LIZ: "What's with that Nico guy ba?"

Inis na tanong niya at halata mo sa kanya ang pagkabadtrip.

MADDIE: "Bakit?"

Napatigil ako sa ginagawa at nacurios sa tanong niya.

LIZ: "The guy is a sxxx. Nagkita kami sa canteen, bigla niya na lang ako binunggo kaya sinapak ko siya."

Parang casual lang na wika niya at nanlaki bigla ang mata ko sa sinabi niya.

MADDIE: "What!"

Lakas na pagsigaw ko sa narinig. Kasi naman sinapak niya si Nico. Well, that's a typical Liz. Kapag galit kasi siya walang patawad sa kaharap.

LIZ: "He is bxxxtxxx. Siya nagsimula eh. Naglalakad lang ako, wala akong ginagawa sa kanya tapos bigla na lang niya ako binunggo."

Medyo inis nang wika niya. Mas mainit na ang ulo baka pati ako masama pa sa galit niya.

MADDIE: "Bakit mo naman sinapak agad?"

Malumanay kong wika sa kanya. Katakot kasi ang aura niya.

LIZ: "Paanong hindi? Gxxx siya. Pagkatapos akong bungguin sabihan ba naman akong txxxx."

Ayun na tuluyan ng sumabog ang mainit init na bulkan. Magsasalita pa sana ako kaso bigla pumasok sina ate Ly at ate Den.

At kung si Liz mainit ang ulo kanina pagpasok, si ate Den naman ay umuusok na at any moment may 2 bulkan na sasabog.

DEN: "Seriously Liz? Ano ba talaga plano mo sa buhay? Ang manapak ng kapwa at sumali sa gulo?"

Dumagundong na wika ni ate Den mula sa pinto ng dorm papunta sa direksiyon namin ni Liz.

"Patay na. Sumabog na ang isa pang bulkan. May kasama pang earthquake. Duck, hold and cover na ba ako? (wika ko sa isip)

Yung boses kasi ni ate Den dinig sa buong dorm. Medyo nagulat nga ako dun. Though anticpated ko na galit siya pero hindi ganito ka galit.

She is mad, really mad and I don't know what is going on and what will happened in this conversation.

DEN: "Ilang beses ka ba dapat naming paalalahanan diyan sa pakikipag-away mo. Lalo na sa pakikipag-away mo kay Nico?"

Napalunok na lang ako at napatulala habang palipat-lipat ang tingin ko sa dalawang bulkan na sumabog. Yung isa patuloy na rumaragasa habang yung isa ay nag-iipon ng isasabog na lava.

Ate Den is furious at nakayuko lang si liz. Hindinsiya kumikilos at nanatiling tahimik lang.  I don't know what to do and say becuase I might add fuel to the fire.

DEN: "Speak up."

Bulyaw sa kanya ni ate Den nang hindi kumikibo ang laharap. Nakapamewang na ito at kay Liz lang ang atensiyon. Samantalang kami ni ate Ly, nakatayo at nag-aabang sa pwedeng mangyari.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon