PART 6: STOLEN

962 18 1
                                    

DEANNA POV

"Mali po bang magkagusto sa taong kaibigan at bestfriend mo?"

Yan ang mga katagang namutawi sa mga labi ko. I cant deny it anymore to the two of them. Mukhang alam nila na may feelings ako for Pongs.

JIA: "Sobrang gusto mo na ba?"

DEANNA: "Yes, and it is not just a friendly feelings."

BEA: "Kelan mo pa naramdaman?"

DEANNA: "Ewan ko po, di ko alam kelan nagsimula at kelan tuluyan ng lumalim. Ang alam ko lang masaya ako kapag kasama ko siya."

JIA: "Mukhang seryoso ka na diyan sa nararamdaman mo for her."

BEA: "Alam ba niya?"

DEANNA: "Nope. I'm afraid she'll know about my feelings. Natakot ako baka kasi iwasan niya ako."

JIA: "Just take your rest muna. Tsaka na natin pag-usapan yan."

BEA: "Yeah. Pahinga ka muna."

Hindi na ako kumibo. Natulog na lang ako, medyo nawawala na rin naman na yung sakit.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal natulog, naramdaman ko na lang na may gumigising na sa akin.

Pagmulat ko nang mata, medyo nagulat ako sa taong nasa harapan ko. Akala ko nga nananginip lang ako.

It was Ponggay, nakaupo siya sa gilid ng bed at niyuyugyog yung balikat ko para gisingin ako. Katabi naman niya sa gilid nakatayo si Maddie.

"Ano naman ginagawa nang dalawang to dito sa gilid ng bed? At bakit sila magkasama ngayon? Himala at sabay sila?" (takang tanong ko sa isip nga lang)

MADDIE: "Lakasan mo kasi yung pag tap para magising. Parang bakla kasi yang pag tap mo eh."

Unang hirit ni Maddie, pero hindi naman galit.

PONGS: "Kung wala kang maitutulong manahimik ka. Ang ingay ng bunganga mo."

DEANNA: "Anong ginagawa niyo dito?"

Pagwika ko para maawat sila sa pwede pa nilang pagtalunang dalawa.

PONGS: "Nagdala kami nang pagkain, para makakain ka na."

DEANNA: "Anong oras na ba?"

MADDIE: "12:30 na nang tanghali. Sumasakit pa rin ba ang tiyan mo?"

Sabay latag niya ng dalang pagkain sa maliit na table na hinatak niya papunta sa gilid ng bed.

DEANNA: "Kumikirot pero konting-konti na lang."

PONGS: "Bumangon ka muna, kain ka para makainom ka gamot."

Kaya bumangon na ako at umupo sa gilid ng bed. Inayos naman ni Pongs yung mga pagkain.

PONGS: "Subuan kita."

DEANNA: "Huwag na, kaya ko na."

MADDIE: "Hindi naman imbalido si BB, tiyan lang masakit. Masyado ka."

PONGS: "Pakialam mo ba? Hindi naman ikaw sinusubuan ko ah. Mas maganda siguro saksakan ko ng kutsara yang nguso mo nang manahimik ka."

MADDIE: "Duh, whatever."

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon