PART 83 - PROMISE

413 10 3
                                    

BEA POV

I am on my way to the hospital, it has been two months mula ng maging critical ang kondisyon ni Jia dulot ng pagkakabaril sa kanya.

And today ay pwede na siyang lumabas ng ospital. Hanggang ngayon ay malinaw pa sa akin ang araw nang malaman ko ang nangyari sa kanya.

Yung mga araw na nakikita ko siyang walang malay sa ICU. Araw-araw ay nasa hospital ako para bantayan siya. Hindi rin ako nagsawa na kausapin siya kahit hindi niya ako naririnig.

As I wait for her to wake up, it makes me realize how hard it is for her before nung ako ang nasa kalagayan niya habang naghihintay. Worst thing is, nagkaamnesia ako and napag-initan pa siya.

Every single day of watching over her seems like forever dahil habang naghihintay naiisip ko na wala ako magawa sa sitwasyon.

Halos isang buwan ang inabot bago siya nagkamalay. Naiyak ako sa tuwa ng malaman na nagising na siya. I can't thank God enough for the blessing of her waking up again.

Hindi ko napigilan na mapaiyak ng magmulat ang mga mata niya. All the more when she recognizes me and called my name.

I can't imagine kung sa akin nangyari, ang nangyari sa kanya noon na hindi ko siya nakilala. Baka himatayin ako. Baka hindi ko kayanin.

Kaya mula ng magising siya, I made sure that I would always be there at her side. I would always be there for her kapag may mga kailangan siya.

I would watch over her kapag natutulog at nagpapahinga na siya. I would always be there to make sure na naiinom niya ang gamot niya sa tamang oras.

Hindi ako nakaramdam ng pagod sa pagbabantay sa kanya. Natatakot ako na baka pag-umalis ako ay mawawala na naman siya.

Kaya during her recovery period lagi ako nasa hospital, kulang na nga lang ay doon na ako tumira. Kung ako lang masusunod, doon talaga ako titira.

After a month of recovering in the hospital binigyan na siya ng permiso mg doktor na pwede na siyang irelease. Itutuloy na lang ang ibang medication niya sa bahay nila.

Kaya ako umuwi kanina kasi kinuha ko ang mga gamit ko sa bahay. Doon muna ako tutuloy sa kanila. Pumayag naman ang parents niya.

Si Jia ayaw niya na doon ako tutuloy kasi ano naman daw gagawin ko dun. Nagtalo pa nga kami kasi sabi niya may training daw ako at may klase.

Pero hindi niya alam kinausap ko na sina coach na hindi muna ako mag training. Yung klase ko ay online pansamantala, pumayag naman ang mga professor ko.

Pagdating sa hospital, dumiretso na ako sa room ni Jia. Pagpasok sa loob, nandun ang parents niya at masaya silang nagkwekwentuhan.

BEA: "Good morning po."

Bati ko sa kanila and bumati din sila in response. And Jia smiled when she saw me. Nakaupo siya sa gilid ng bed kaya nilapitan ko agad siya.

BEA: "I miss you."

Wika ko sa kanya after siya bigyan ng smack sa labi. Then, iniabot ko sa kanya ang dala kong magagandang bulaklak.

JIA: "Sabi ko naman sayo, huwag ka nang bumili ng bulaklak. Malalanta lang ito."

Lagi siyang ganyan kapag binibigyan ko ng flowers. Pero kinikilig naman siya sa ibinigay ko.

BEA: "Bakit ba nagrereklamo ka, ako naman yung bumibili. Tsaka pera ko ginamit diyan hindi pera mo."

Sinimangutan niya ako but I just gave her a peck in the lips.

BEA: "I love you."

Sabay kiss sa singsing na ibinigay ko sa kanya habang wala siyang malay.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon