PART 70 - MESSAGE

668 24 11
                                    

MADS POV

Nandito ako sa hospital, kasama ang teambesh at si Liz. Kailangan daw kasi nila ng malaking taga awat kapag nagkagulo na naman ulit sa hospital.

Si Liz kasi mapilit na gusto sumama sa hospital kaya ayan ginawa akong nanny niya. Pagpasok namin sa loob at kausap si Jho hindi naman siya nagsasalita nakatingin lang siya kay Jhoana.

Natulala ang ateng niyo. Tinamaan ng pagka introvert, umurong ang dila niya. Or baka naman na starstruck na naman sa kagandahan ni Jhoana.

The other day pa gising si Jho at pwede na rin makausap. Good thing hindi siya nagka amnesia kagaya ni Liz at Bea. Sa dalawa nga lang hirap na hirap na kami eh.

LY: "Kamusta na Jho?"

JHO: "Ito okay naman na po. Medyo kumikirot lang konti."

ELLA: "Bukas pwede na tayo maglaro?"

Natawa kami kay ate Ella. Sira ulo talaga ang isang to kahit kelan. Ayan tuloy nakatanggap siya ng batok mula kay ate Ly.

ELLA: "Aray ko Valdez. Ulo ko yan. Hindi yan bola. Kung makapalo ka, gusto mo tanggalin ang ulo ko. Maya niyan mag ka amnesia din ako. Who you ka sakin."

Lalo tuloy kaming natawa aa kanya. Ang daldal talaga kahit kelan. Pagkain lang nagpapatahimik sa kanya eh.

LY: "Dapat kasi hindi ka na sumama eh. Nang gugulo ka lang talaga."

DEN: "Nako Ly, hindi maiiwanan yang si Jorella. Hahanap ng paraan yan para makasama."

ELLA: "Jho, kilala mo ba kami?"

Natawa ai Jho pero alalay siya kasi kumikirot pa ang sugat niya.

JHO: "Naman po ate. Wala po akong amnesia."

ELLA: "Sigurado ka? Ako kilala mo?"

JHO: "Opo, ikaw si ate Ella. Matakaw sa foods."

ELLA: "Eh siya?"

Sabay turo kay ate Ly.

JHO: "Si ate Ly."

ELLA: "Siya?"

JHO: "Si ate Den"

ELLA: "Sino siya?"

JHO: "Si Maddie, icequeen."

ELLA: "At sino naman siya?"

Sabay turo kay Liz kaya lahat kami ay nakatingin kay Jho at Liz.

JHO: "Si Liz."

Nakakunot nang noo na wika ni Jho hindi niya kasi alam kung anong trip ni ate Ella.

ELLA: "Mali."

Kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.

ELLA: "Siya ang jowa mo."

Nanlaki ang mata ni Liz sa narinig. Si Jho ay napanganga na lang. Ako ay bigla napalunok. Si ate Den naka deathglare kay Jorella. Si ate Ly, natulala.

ELLA: "Joke lang. Patola. Hahaha."

Natawa niyang wika kaya binatukan na siya pareho ni ate Den at ate Ly.

ELLA: "Aray ko. Kanina pa kayong dalawa ah."

DEN: "Bwisit ka Jorella."

ELLA: "Hindi ko kasalanan kung patola kayo. Isa pa, tsinitsek ko lang kung talagang wala siyang amnesia."

Natawa na lang si Jho at napailing na lang ako sa kanya.

DEN: "Doon ka na nga, kami muna ni Ly kakausap kay Jhoana. Dadagdagan ko yang batok sayo eh."

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now