PART 52 - SAFETY

753 13 7
                                    

PONGGAY POV

Today is another day. Another day of a tiring training, another day of paperworks, another day to get over with.

I was on my way down the stairs papunta sa sala kung nasaan ang ibang teammates ko. Naghahanda na rin sila para sa maagang training.

Looking at them, mga mukha pa silang inaantok.

PONGS: "Good morning guys!"

MADDIE: "What's good in the morning?"

Angil agad ng shokoy sa akin.

PONGS: "Good na kanina eh, kaso nga lang bad na nung nagsalita ka."

Pagtataray kong pabalik sa kanya. Siya nagsimula eh, gumanti lang ako.

ELLA: "Ang aga niyan ah. Ang aga niyong magkapeng dalawan ng sobrang bitter."

Si ate Ly binato si ate Ella ng medyas.

ELLA: "Ano ba naman yan besh, yung medyas mo ang baho."

Sabay tapon pabalik ng medyas kay ate Ly.

LY: "Excuse me unano, hindi yan mabaho. Panis lang talaga ang kulangot mo kaya ganyan."

Kaya natawa na lang kami sa maagang asaran ng magbesh.

DEN: "Will you guys, just keep quiet. You are so noisy and its still early in the morning."

Mataray na wika ni ate Den at wala ata sa mood.

ELLA: "Red days ka teh? Napkin gusto mo? Ikukuha kita."

Kaya napailing na lang ako. Si ate Ella talaga kapag nakakita ng mainit ang ulo lalong naeexcite mambully.

DEN: "Tigilan mo ako Jorella Marie De Jesus ah. Batuhin kita ng sapatos diyan."

Angil niya sa kaibigan at salubong pa ang dalawang kilay.

LY: "Huwag mo kasi sabihin besh, batuhin mo na lang."

Paggatong pa ni ate Ly at hindi alintana ang inis ng kaibigan.

DEN: "Isa ka pa eh."

Angil niya kay ate Ly na tinawanan lang ng huli.

ELLA: "Di ka ba napaso besh Ly? Nagliliyab eh, abot nga hanggang dito."

Pinadilatan siya ni ate Den ng mata, pero lalong natawa si ate Ella. Wala talaga silang balak na tantanan ang kaibigan nilang mainit ang ulo.

AMY: "Let's go na lang to the gym guys. It's hard to be late. I don't have energy for extra rounds for the punishment today."

Kaya nagtayuan na kaming lahat at naglakad na papuntang gym. Si ate Den ang unang tumayo at naglakad palabas. Wala ata talaga sa mood. Red days nga.

As usual si ate Ella, daldal ng daldal hanggang sa makarating kami ng gym. And as always, nakakapagod at nakakaubos ng energy ang training.

And mas lalong nakakapagod kasi ang dami kong kailangang tapusin na paperworks. Kaya after training naligo na agad ako, nagbreakfast and nagpunta na agad sa library.

Atleast makakapagconcentrate ako dun at walang magulo. Pumwesto ako sa isang sulok sa kung saan hindi masyado nadadaanan ng karamihan.

Pagkalatag ng mga gamit ko hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Sinimulan ko na agad ang trabaho. Medyo marami, kasi hindi ako matutulungan ni ate Trey.

Marami din kasi siyang kailangang tapusin. Kaya I have to work on my own without her help. Madalas kasi siya ang gumagawa at tumutulong sa akin kapag free niya.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon