PART 84 - LATE

399 7 4
                                    

MADDIE POV

This is it. This is really is it. Darating si Ponggay ngayon at ang ate niya, so magsurprise sundo kami sa kanilang magkapatid.

I am excited for their coming, of course I am excited to see Ponggay. Sa sobrang excited ko ang aga kong nagising at naligo. Tuloy ang aga kong nakantiyawan sa dorm.

Pero who cares, ang mahalaga sa akin ay darating na siya ngayon. And I have planned everything for her, ngayong araw na ito magtatapat na ako sa kanya.

I have prepared everything that is needed mamayang gabi sa rooftop. I planned to tell her tonight na kaming dalawa lang para may moment kami together at walang istorbo.

Alam kong marami kaming dapat pag-usapan kaya kailangan namin ng privacy. And I can't wait fot it to happen. Ang tagal ko nang naghintay para lang magtapat sa kanya.

Bago pumunta sa airport ay dumaan pa kami ni Jho sa bilihan ng bulaklak. Nagpasama ako sa kanya gusto ko kasing mapasaya si Pongs kapag binigyan ko siya ng bulaklak.

ELLA: "Oh, para saan yang bulaklak Madz? Magpropropose ka na ba kay Ponggay?"

Si ate Ella talaga ang liit pero ang lakas makiramdam. Nakita agad ang bulaklak at agad agad may naisip siyang pang-asar.

MADZ: "Ate Ells, bahala ka na pong manliit kakaisip kung para saan ang dala kong bulaklak."

Nagtawanan tuloy ang team. Habang naghihintay kumain muna kami at para na rin may maupuan. Wala kasi maupuan sa waiting area.

MAE: "Gandang flowers ah. Mukhang may aakyat ng ligaw."

Panimula na naman ni ate Mae. Akala ko tapis na dun kay ate Ella kanina.

ELLA: "Jhoana, dakilang bakla ng katipunan, sayo ba yung flowers na dala niyo? Liligawan mo na ba si Liz?"

Biglang hirit na naman ni ate Ella. Kaya lahat kami ay natawa.

JHO: "Darating din tayo diyan ate Ells. Just wait and see. Chill ka lang muna diyan Liz, darating din ang bulaklak mo. Sagot kita."

Nako, hiniritan na naman niya si Liz. Nagiging habit na talaga niya ang asarin ito.

LIZ: "Ako na naman ang nakita mong asarin. Baka gusto mong ipakain ko sayo yang bulaklak mo?"

Angil niya habang kumakain ng fries.

JHO: "Next time chicharong bulaklak na lang pala ang ibibigay ko para atleast pwede makain. Gusto mo subuan pa kita eh."

Lalo nagsalubong ang kilay ni Liz. Samantalang kami ay nagtawanan lang.

LIZ: "Mabulunan ka sana."

Inis na sagot niya kay Jho.

JHO: "Oo, mamahalin talaga kita."

Ganting sagot niya sa kausap kaya napailing na lang ako. Ang lakas ng tama ni Jho.

LIZ: "Manigas ka."

Kaya nagpatuloy lang ang tawanan ng lahat. Talaga naman kapag nagsimula ang Jholiz nonstop ang bangayan. So far ay hindi pa naman nauwi sa sakitan at bugbugan.

Nagpatuloy lang kami sa kainan at asaran. Ang Jholiz tuloy lang ang laban hanggang sa huli.

LY: "Tama na muna yan. Baka mauwi pa yan sa kasalan. Ay mali, sa sakalan pala."

Ang sama tuloy ng tingin ni Liz, wala naman siya magawa si ate Ly ang nagsalita. Kaya nagpatuloy lang siya sa pagkain ng fries.

JHO: "Liz, hingi ako fries."

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now