PART 34 - BANANA

847 12 4
                                    

PONGGAY POV

Pagkagaling sa kainan, dumiretso na ako ng room nina ate Trey. Ayoko muna sa room, dahil ayoko pa makita si Deanna.

Naiinis pa rin ako sa kanya, sa ginawa niya. Pagkatapos ko siyang yayain, umayaw siya kasi may klase pa daw. Tapos yun pala makikita ko siya may ibang ka date. Eh, ang panget naman ng ka date niya.

"Nakakainis talaga siya, pwede naman niya sabihin sa akin na hindi siya available, bakit kailangan pa niya talaga na magsinungaling pa?" (inis kong usal sa sarili)

Hihiga sana ako sa bed ni ate Trey kaya lang andun ang mga gamit niya. Since tinatamad ako na tanggalin para makahiga, dun na lang ako sa bed ni Maddie nahiga.

Pagdikit ng ulo ko sa unan, naamoy ko agad ito.

"Infairness, mabango ang unan ng shokoy. Hindi amoy panis na laway. 😂😂😂" wika ko ng pabulong

Ang sarap lang mahiga sa bed niya, ang lambot at ang bango pa. Since wala naman ako magawa, naisipan kong matulog na lang muna.

Pero hindi pa ako tuluyang nakatulog, may mga maiingay na pumasok sa room. Kaya napadilat ako at doon na napatingin sa mga pumapasok.

TREY: "Oh, bakit nandiyan ka sa bed ni twinnie? Bakit wala ka sa room niyo?"

Gulat na tanong ni ate Trey. Sabay kunot ng noo niya.

PONGS: "Dito po muna ako matutulog ate."

TREY: "Hindi ka pwede rito sa room, maingay ka. Hindi kami makakatulog sayo."

MADDIE: "Isa pa, bawal ang maingay sa room namin. Pangalawa higaan ko yan, kaya umalis ka diyan sa higaan ko. Ang sarap ng higa mo feeling mo sayo yung bed."

Wika ng masungit na mukhang shokoy.

PONGS: "Basta ayoko, dito ako matutulog. Ayoko makita si Deanna."

Pagmamatigas ko sa kanilang dalawa.

MADDIE: "Wala kaming pakialam kung ayaw mo makita yung BB mo. Kung gusto mo dun ka sa sofa sa sala magmukmok at magmaktol. Huwag dito. Or di kaya sa puno ka matulog, total unggoy ka naman."

Tumawa bigla si ate Trey kaya sinamaan ko siya ng tingin. Pero tumawa pa ito ng malakas.

PONGS: "Kung ayaw mo ako rito, ikaw ang umalis. Sumama ka sa mga shokoy sa dagat, dun ka nababagay. Shokoy na panget."

MADDIE: "Mas panget ka, unggoy ka kasi. Room ko to. Kaya ikaw ang umalis. Isa pa ang ungggoy walang room, sa puno sila nakatira."

PONGS: "Kapag sinabi ko dito ako, dito lang ako. Kung gusto mo, dun ka kay Deanna magsama kayo. Isama mo na rin yung panget niyang kasama."

MADDIE: "Aysus, nagselos ang unggoy.  Wala ka magagawa kung may iba nang gugustuhin si Deanna. Pabebe ka kasi masyado."

JHO: "Awww. Sinong pabebe?"

Singit agad ni Jho pagkapasok sa room. Nakabuntot sa kanya si Liz na salubong ang kilay. Bad mood na naman siguro to.

MADDIE: "Sino pa nga ba? Eh di yung unggoy. Na nagmamaktol dahil nagseselos sa BB niyang may iba ng mahal. Hahahaha."

PONGS: "Wala akong pakialam kung sino ang gusto niya. Ang akin lang, ako yung kaibigan niya, pero nagsinungaling siya."

JHO: "Aruy, may ibang mahal si BB. Kawawa ka naman Pongs. Bilhan na lang kita ng saging para di mo na masyadong ramdam ang kasawian. Hahahahaha."

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now