PART 57 - MISTAKE

930 22 7
                                    

PONGGAY POV

I was on my condo, nagpaalam muna ako kay ate Ly na sa condo muna ako tutuloy. Pumayag naman sila kasi, may mga guards naman daw sa condo kaya safe.

Wala din kasi akong pasok today and sa monday pa ang next klase ko. Then, wala rin training ng saturday and sunday kaya three days aking freeday.

Kaya naman minabuti kong sa condo na lang muna ako magpapahinga at magpapalipas ng tatlong araw.

Well, may gusto lang kasi talaga akong iwasan sa dorm, si Maddie. It has been a week na rin naman mula ng hindi kami magkibuan at magkasamang dalawa.

And it all started ng tinawag or sinabihan niya akong immature. Medyo na offend talaga ako dun sa sinabi niya.

Alam ko naman sa sarili ko na immature nga ako, pero kasi yung paraan ng pagkakasabi niya parang wala akong kwenta at sobra akong immature.

Naoffend ako sa sinabi niya, I was waiting na lalapit siya para magsorry the next day pero, hindi din naman niya ako pinansin kaya dinedma ko na din siya.

Alam ko naman na naging mapride ako, pero syempre nahurt ako sa sinabi niya. Of all people, siya yung naging madalas ko kasama sa mga nakaraang araw tapos ganun lang pala kababaw pagkakakilala niya sa akin.

Idagdag mo pa sa stress ang ginawang pagsugod ng bruhang girlfriend ng napakagaling kong ex. Tapos si Deanna, parang wala na rin pakialam. Hindi na siya gaya ng dati.

Kaya halos wala na rin ako nakakausap or napagsasabihan sa dorm. Busy din kasi yung iba, si ate Jho naman may sariling problema. Si ate Trey, busy sa school.

Dumating ako sa dorm ng maglunch time na. Kaya kumain lang ako at natulog na maghapon. Medyo late na kasi ako nakakatulog nung mga nakaraang araw kagagawa ko rin ng mga reports and research.

Nagising ako mag-aalasais na ng gabi. Nagpadeliver na lang ako ng dinner. Habang kumakain naisipan kong manunuod ako ng movie sa laptop.

After an hour, pumunta ako sa ref para tumingin ng maiinom. Buti na lang may dalawa pang in can ng San Mig Light kaya yun ang kinuha ko at ang isang sitsirya.

Habang nanunuod, nilantakan ko ang inumin at pagkain. Maganda ang palabas kaya nakatutok ako. Ng matapos, I take a look in my clock it is already 9 ng gabi.

Kaya inayos ko ang mga pinagkainan at nilinis na rin ang lugar sa sala. Pumasok na ako sa room para makapag ayos na para matulog.

Medyo naramdaman ko na rin kasi ang epekto ng ininom ko. After, kung mag cr at papunta na ako sa bed ay tumunog bigla ang telepono.

Kaya sinagot ko muna ito.

GIRL: "Hello po maam Ponggay. Nandito po ngayon sa sa reception area ang kaibigan mo po. Medyo nakainom po siya."

Yung receptionist ang tumawag.

PONGS: "Sinong kaibigan po?"

GIRL: "Si maam Maddie po."

Medyo nagulat ako nung sinabing si Maddie. And lasing pa, tapos dito pa sa condo pumunta. Kilala naman kasi sila sa condo kasi, madalas naman sila sumama dito.

PONGS: "Pwede po bang pahatid na lang po siya dito sa unit ko."

GIRL: "Sige po maam."

Kaya lumabas muna ako ng room at inabangan sila sa sala. After few minutes ay nasa tapat na ng pinto ang mga ito.

Pagbukas ng door, I saw Maddie namumungay na ang mga mata niyahabang inaalalayan siya ng dalawang tao. Paano kasi ang laki niya, hindi kaya ng isa lang.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon