PART 72 - LISTEN

762 20 11
                                    

Happy Happy Happy New Year
again everyone!!!

Pahabol na pasabog para sa panibagong taon!!!

-------------------------------------------------------------

JIA POV

Kakatapos lang ng isang mainit na boxing bout sa pagitan nina Nico, Liz at Bea. Nagulat ako sa biglang gulong nangyari.

Masaya namin kaming nagtatawanan papasok ng hospital, nagulat na lang ako ng lumapit si Nico kay Liz at bigla sinapak.

Sa sobrang gulat ko napatunganga ako ng nakabulagta si Liz sa floor. Nahimasmasan ako ng makita si Bea na ang sumugod kay Nico at sinapak ng dalawang beses.

Kaya naman ay agad ko siya inawat at hinawakan sa braso ng akmang susugurin pa niya ulit ito. Pero nagpupumiglas siya kaya niyakap ko na.

Silang dalawa ni Liz, galit kay Nico at handa silang dalawa na sumugod at makipagbugbugan. Good thing na lang ay dumating sina ate Ly.

Natigil ang gulo at napauwi kami ng wala sa oras. Hindi pa nga namin nakakausap si Jho tapos, gulo pa ang nangyari.

Pauwi na kami, magkasama kami ni Bea sa kotse niya. While sa kabilang sasakyan naman magkasama sina Liz, Deanna at Maddie.

Ako na ang nagmaneho ng kotse baka kasi ibunggo pa niya sa sobrang init ng ulo niya. Hindi na kasi maipinta ang mukha eh.

Hindi ko na lang din kinibo, salubong ang dalawang kilay at nakabusangot pa siya. Nakakuyom pa rin ang mga kamao niya.

Napabuntong hininga muna ako before I extended my otherhand para hawakan ang kamay niya. Kaya napatingin siya sa akin at nginitian ko siya.

Pero inirapan lang niya ako. Ang sungit, mainit nga talaga ang ulo niya.

Tahimik na lang kaming dalawa buong byhae hanggang sa maipark ko ang kotse ng makarating na kami sa ateneo.

Pagkatigil ng sasakyan, agad bumaba si Bea at sinapak ang poste sa parking area. Agad ako bumaba para pigilan siya sa iba pang gagawin.

JIA: "Ano ka ba, gusto mong mabali yang buto mo sa daliri?"

Angil ko sa kanya, wala na sa lugar ang galit niya.

BEA: "Dxxx him."

JIA: "Kung galit ka sa kanya, huwag mong ibunton diyan sa poste."

Hinawakan ko ang kamay niya para tingnan, namula ito sa lakas ng pagkakasuntok niya.

JIA: "Kita mo na ang ginawa mo?"

Hinatak ko na siya papunta sa may dorm. Pinaupo ko siya sa ulo at kumuha ng first aid kit. Pagbalik sa sala sakto naman na pumasok ang tatlo.

Si Liz, pagpasok niya sa loobng dorm, ng may makitang upuan bigla niya ito sinipa. Ayun lumipad sa gilid yung kawawang upuan.

MADDIE: "Liz, tumigil ka na."

Pagsaway sa kanya ni Maddie. Kaya naupo na lang sa sofa si Liz at nakakunot ang noo.

JIA: "Akin na yang kamay mo?"

Angil ko kay Bea ng maupo sa tabi niya. Iniabot naman niya at hindi na nagreklamo pa.

DEANNA: "Oh, bakit ganyan ang kamay niyan? Sobrang kapal ba ng mukha ni Nico at naging ganyan nung sinapak niya?"

Wika niya at nagulat pa ng makita ang kamay ni Bea na sobrang pula.

LIZ: "Makapal talaga mukha nun. Yung kapal ng mukha niya kasing itim ng budhi at kulay niya."

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now