PART 14 -MISSING

784 15 3
                                    

This part of the story is dedicated to BeadeLeon2.
Ideya mo to kaya dapat lang na basahin mo. (hehehe)
Thanks for the suggestion.
😍😍😍
------------------------------------------------------------

JIA POV

Nasa kitchen ako at nag aayos para sa agahan nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod. And I know it's Bea.

Alam kong maglalambing na naman siya na lagi niyang ginagawa kapag may ginawa man siyang mali or kalokohan. Kaya hindi ko siya pinansin.

Tuturuan ko talaga siya ng leksyon. Kaya binigyan ko siya ng cold tretment para malaman niya na hindi ako natutuwa sa ginawa nilang dalawa ni Liz.

Sobra kaming nag-alalang lahat sa kanilang dalawa dahil walang pasabi kung saan nagpunta. Kung anu-ano na ang naisip namin na nangyari sa kanila.

Tapos malalaman pala namin na nakipagsapakan lang silang dalawa kay Basti. (Well sila lang naman ang sumapak)

Good thing at hindi nanlaban si Basti dahil kung nagkataon ay baka kung ano pa ang nangyari sa kanilang dalawa.

She tried to make a conversation pero hindi ako kumibo. She tried many times but she failed. Tiningnan ko lang siya at ipinagpatuloy na ang ginagawa.

Maya-maya pa ay umalis na ito. Naiinip siguro at walang makausap. Bahala siya, dapat lang na makita niya ang pagkakamali niya.

After ng ilang minuto ay tapos na ang niluluto ko. Tinawag na lahat ng teammates ko at lahat kami ay nasa hapag-kainan na. When I roamed my eyes around, wala si Liz at Bea.

Bigla ako nakaramdam ng kakaiba pero hindi ko masyado pinansin.

LY: "Where is Bea and Liz? Don't tell me magkasama na naman yung dalawang yun?"

Medyo inis na wika na ate Ly. Kasi alam niyang pag yung dalawa ay magkasama pwedeng gulo na naman ang abutin nun.

DEANNA: "Si ate Bey po kanina andito, nagpaalam lang po siya na maglalakad-lakad lang po sa labas. Pero hindi pa po siya nakakabalik mula kanina."

Pagpapaliwanag ni Deanna at medyo nauutal pa. Kasi alam niyang galit si ate Ly at nagpipigil lang.

MICH: "Baka nawili sa paglalakad-lakad or di kaya nagmumuni na sa mga ginawa nilang dalawa kahapon."

ANA: "So, hintayin pa ba natin sila?"

JIA: "Huwag na natin sila hintayin. Alam nila ang oras ng kainan. Dapat na andito na sila."

Medyo naiinis kong wika. Baka magkasama nga na naman yung dalawa at kung ano na naman ang naisipang gawin. Kaya nauna na kaming kumain.

After breakfast nagkulong lang ako sa room at nagbasa. While reading, sinusulyapan ko ang phone baka sakaling may nagtext. Kaso wala kahit isa. Hindi na nagparamdam pa si Bea.


BEA POV

I am lying in Jia's bed, natulog ako sa bed niya at kayakap siya magdamag. Pero nagising ako na wala siya sa aking tabi.

Since yesterday, hindi na talaga niya ako kinakausap. I was trying last night, pero wala siya sa mood makipag-usap.

Kaya nagmumuni-muni ako sa mga ginawa ko the other day. Kung tama ba o mali ang ginawa namin kay Basti.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now