PART 35 - INVITATION

861 15 2
                                    

DEANNA POV

Nag-aayos na ako at may lakad kami ni Pat. Actually it is a family affair and her family invited me. Madalas naman kasi ako kasama sa family nila kahit nung nasa Cebu pa ako. Lagi ako kasama sa invitation.

Parang extended family ko na sila kaya hindi na ako naiilang sa kanila. Kakain lang naman sa labas and to meet na rin some of her relatives dito sa Manila.

Pagkatapos ayusin ang gamit ko ay lumabas na ako. Nasa sala ang iba kong teammates at nagkukulitan lang. Kaya pagkababa, nagpaalam na ako.

DEANNA: "Alis na po ako."

Kaya napalingon sila sa akin. I saw Ponggay katabi na naman si Maddie pero umiwas siya ng tingin. Kung tama ang nakita ko, umirap siya at may kasamang smirk pa.

"Bat naman siya iirap at mag smirk sa akin? Dapat nga ako ang magalit at mainis sa kanya. Bat baliktad ata!" (sabi ng isip ko)

ELLA: "Bihis na bihis bata ah, saan ang punta mo? Parang may date kang pupuntahan!"

Wika ng madaldal na si ate Ella.

DEANNA: "Sa simbahan po ang punta ko, pinikot ko na po kaya ikakasal po kami today."

Pang-aasar ko kay ate Ella. Kasi nambubully siya eh.

JHO: "At sino naman ang maswerte na pinikot mo?"

DEANNA: "Makikilala niyo din po. Sa ngayon, kailangan ko na po umalis. Malelate na po ako."

Kaya naglakad na ako at iniwan na sila bago pa sila magpahabol ng interview. Ayoko na rin magtagal pa, habang nakikita ko si Maddie at Ponggay na magkatabi at  nagbubulungan pa sa harapan ko.

ELLA: "Bata, yung pasalubong ko ah, huwag mo kakalimutan. Huwag kang uuwi dito na wala kang pasalubong sa akin."

Pahabol na sigaw ni ate Ella. Pero tuloy lang ako na naglakad at lumabas na ng dorm. Dumiretso na ako sa parking lot, kung saan nakaparada ang kotse.

Tumawag muna ako kay Pat bago pinaandar ang kotse at umalis na ng ateneo. Sa isang restaurant kami, magkikita.

Tumuloy na daw ako sa venue at doon na lang maghihintay si Pat, aabangan na daw niya ako sa entrance ng restaurant. Na andun na siya, nauna kasi siyang pumunta.

Nang malapit na ako sa venue, I called her para masundo na ako sa entrance. After few minutes nakarating na ako sa venue. I look for a vacant parking area at ipinarada ang kotse.

Tiningnan ko muna ang sarili ko sa mirror at naglakad na papuntang entrance, then I saw Pat, nag aabang na siya.

She looks so stunning in her dress. Maganda naman na si Pat, lalo naemphasize ang kagandahan niya dahil sa suot at light make up.

Kaya nga marami siyang manliligaw, pero wala siyang trip sa mga yun. Kaya madalas niya ako, pinofront para layuan siya at tigilan.

As she saw me walk towards her, biglang lumapad ang ngiti niya at naglakad palapit sa akin. Pagkalapit ko sa kanya, niyakap niya ako and kiss me in the cheek. So I did the same thing to her.

Then, pumasok na kami sa loob habang mahigpit siyang nakahawak sa braso ko.

PAT: "Akala ko hindi ka na pupunta at tatakas ka na lang eh."

DEANNA: "Saan mo naman nakuha yang ganyang ideya? At bakit naman ako tatakas?"

PAT: "Malay, ayaw mo kasi sa ganitong gatherings eh. Mas gusto mong tumambay na lang sa bahay at matulog. Hahahaha."

DEANNA: "Totoo naman yun. Ayoko sa maraming tao, pero syempre nakakahiya kay tito at tita kapag nawala ako dito. Baka tuluyan na akong itakwil."

PAT: "Talaga. Magtatampo ang mama at papa kapag nawala ka. Iyon pa man din ang pinaka bilin nila sa akin. Ang siguraduhin na makakapumta ka. Alam mo namang, favorite ka ng mga yun."

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon