PART 42 - BABY

962 22 9
                                    

MADDIE POV

Nagising ako sa nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa bintana. Pag galaw ko, naramdaman kong may nakayakap sa bewang ko.

I take a glance at my side, para alamin kung sino ang katabi ko, and only to see it was Ponggay. Ang sarap ng tulog niya, himbing na himbing sa pagtulog.

Nakayakap ang kamay niya sa bewang ko at ang hita niya nakapatong sa hita ko. At yung hininga niya, abot hanggang leeg ko. Nakasiksik kasi siya sa malapit sa leeg.

"Feel na feel matulog ng unggoy. Ginawa pa akong unan, ang sakit ng kamay ko." (usal ko sa sarili)

Habang tinititigan siya, bigla na lang pumitik ang sentido ko.

MADDIE: "Awww.... What the ...."

Napahawak ako sa ulo, and then I realized uminom pala kami kagabi. Buti na lang konti lang nainom ko. Pero ramdam ko pa din ang epekto kasi hindi naman ako mahilig uminom ng todo.

Gagalaw sana ako, para alisin ang kamay at hita ni Ponggay na nakapulupot sa akin pero bigla ba naman gumalaw at dumikit lalo sa akin.

Iniangat niya konti ang ulo mula sa braso ko at ipinatong niya sa dibdib ko.

"Pambihirang unggoy na ito, anong akala niya sa akin baging? Makakapit wagas eh." (reklamo ng isip ko)

Kaya tuloy hindi ako makakilos. So instead na bumangon, minabuti ko na lang na humiga muna.

After 20 minutes ay bigla siya gumising. Nagmulat siya ng mga mata at kinusot kusot ito. Pero hindi pa umaalis sa pwesto niya.

MADDIE: "Baka naman gusto mong gumalaw na at umalis sa pwesto mo para naman makatayo na ako."

Pagrereklamo ko sa kanya at pagpukaw ng atensiyon niya. Mukha kasing hindi pa niya narerealize ang posisyon naming dalawa. Daig pa namin ang magjowa.

Pero iniangat lang niya konti ang ulo niya at tiningnan lang ako ng unggoy na para siyang nawawala, at ng matauhan tiningnan ang ayos naming dalawa.

Buong akala ko aalis siya dahil sa posisyon naming dalawa, pero nagulat ako kasi bigla niya ibinaba ang mukha niya sa mukha ko at kiniss ako sa labi. Pero smack lang naman.

PONGS: "Good morning."

Wika niya after akong bigyan ng smack sa labi. Then, agad siya bumangon at umalis na siya sa pwesto niya na parang walang nangyari.

Mula sa bed, dumiretso siya ng cr samantalang ako naiwan na nakatulala at hindi makaget over sa pagkagulat sa ginawa niyang paghalik sa labi ko.

"OA mo naman Madayag, baka ganun lang talaga sila magbatian ng good morning ng kapatid niya, kaya siguro ganun din ang ginawa niya kanina pagkagising. Huwag kang ano diyan?" (bulong naman ng isip ko)

Iwinaksi ko na ang isipin at tumayo na ako at hinayaan na lang ang nangyaring panghahalik ni Ponggay.

Pagkatapos niya sa bathroom ako naman ang sumunod. Hanggang sa paghilamos, hindi pa rin maalis sa utak ko ang ginawang paghalik niya.

There is something about the kiss kahit smack lang yun. I felt something but I don't totally understand.

"Dxxx, Yrenea. Just forget about it. There is nothing unusual about the kiss awhile ago. Why felt so bothered all of a sudden?" (usal ko sa sarili)

Idinaan ko na lang sa paghilamos ng tubig ang iniisip. Paglabas ko, naka-ayos na ang bed. While si Ponggay naman tulala sa gilid ng higaan.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now