PART 85 - COME BACK

465 12 2
                                    

MADDIE POV

Mahigit isang buwan na ang lumipas mula ng makalabas ng ospital si Jia. Halos magtatlong linggo na rin nang dumating sina Trey at Ponggay.

And today is a special day para sa team dahil ngayon babalik si Jia sa dorm. Jia will be coming back and we can't wait for it.

Kung kaya ang lahat ay excited at the same time ay busy sa paghahanda sa kanyang muling pagbabalik. Kasama na rin ang pagbabalik ni Bea.

Mula kasi ng maospital si Jia, si Bea hindi na rin bumalik ng dorm. Kaya pareho silang namiss namin. Todo effort kami ngayon para naman mapasaya sila.

Ang teambesh ang bahala sa pagkain, ang sophomores and juniors naman ang busy sa paglilinis ng dorm. While the rest kasama na ako dun ay nag-aayos ng decoration.

Sa kasamaang palad kasama ko ang Jholiz na walang puknat ang pagmamahalan sa isa't isa dahil magkasundo sila sa lahat ng bagay.

Sa sobrang magkasundo nga nila, bawat segundo ay mukha na silang magsasapakan. Walang tigil ang palitan nila ng mga matatamis na salita.

LIZ: "Ano ba yan Jhoanna, ayusin mo nga yang gawa mo."

Panglimang angil na nga niya ata kay Jho. Walang segundo na hindi siya galit.

JHO: "Inaayos ko naman ah!"

Ganting sagot niya sa kausap habang nakapamewang.

LIZ: "Maayos ba yan? Kita mo nga tabingi yang sayo. Ipantay mo kasi dito sa gawa ko."

Salubong ang kilay na angil niyang balik rito. Nagkakabit kasi silang dalawa ng banner na pawelcome para sa Jibea.

JHO: "Halika ka dito, ikabit ko na lang sa nguso mo para magtigil ka. Kanina ka pa, puro ka sige itaas mo pa, konti pa. Tapos, ibaba mo pa konti lang, konti lang. Letse ka."

Nairita na rin ata si Jhoanna. Kanina kasi kalmado pa eh. Samantalang kami ay tahimik lang na nag-aayos habang nakikinig sa dalawa.

LIZ: "Eh hindi nga pantay eh. Anong gusto mo isabit ng hindi pantay. Parang txxxx naman neto."

DEANNA: "Wewwww... Round 2."

Natawa ako kay Deanna. Kasama namin siya sa pag-aayos. Isinabay na ni ate Ly samin para may additional na manpower.

Tama lang ang decision niya kasi baka mabawasan kami ng workforce dahil lang sa banner na hindi pantay. Sa lagay ng dalawa mukhang may papatay at may mapapatay.

JHO: "Ay wow. Hindi lang maipantay txxxx agad?! Pantay ka diyan. Yang kilay mo nga hindi mo maipantay. Ayan, pantay na ba yan?"

Angil niya sa katapat ng iingat ng konti ang banner na hawak. Pero hindi satisfy si Liz kaya nagkamot lang siya ng ulo.

LIZ: "Hindi ka naman marunong. Ang hirap mo kausap. Parang itaas lang. Ako na nga diyan."

Sabay baba niya sa silya ng maikabit ang hawak na banner. Hindi na ata makatiis, ang igsi talaga ng pasensiya niya.

JHO: "Pantay naman yung sakin eh. Yung sayo kasi ang ibaba mo."

LIZ: "Umalis ka diyan. Ako na diyan. Higpitan mo na lang yung gawa ko dun."

Utos niya kay Jho at bumaba naman si Jhoanna. Pag-akyat ni Liz sa upuan, inambahan siyang sasapukin ni Jho mula sa likod pero hindi naman itinuloy.

Kita mo yung gigil sa mukha niya pero nagpipigil pa rin siya. Hanggang kelan kaya siya magpipigil.

JHO: "Peste Madz. Pigilan mo ako, papatulan ko na ang asungot na ito."

Gigil na wika niya ng magtagpo ang tingin naming dalawa.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now