PART 44 - CHANGED

891 17 9
                                    

JHO POV

After nang conversation sa pagitan namin ni Liz that night, the next day everything has changed.

Hindi nga ako nakatulog buong gabi, kakaisip kung tama ba ang naging conversation namin. Kung tama ba ang naging desisyon namin na mag-iwasan na lang.

Pero habang lalo kong iniisip mas lalo lang ako naguguluhan, at lalo ko lang nararamdaman na masakit sa dibdib.

Close naman kaming lahat sa team, pero if there is one person I am comfortable to be with, si Liz yun. Kapag may problema ako or naguguluhan ako sa kanya ako lumalapit.

And now, after what happened I don't have someone to turned to anymore. I was torn between gusto ko and hindi dapat.

Magdamag, nakatingala lang ako sa kisame at napapaisip. Pero ang totoo wala naman ako maisip. Kaya natapos ang gabi at magdamag, wala akong naitulog.

When I take a look at my clock, it is already 5:30 in the morning. Kaya nagdecide na lang ako bumangon at maghilamos since hindi naman ako makatulog.

Paglabas ng cr, nagising na rin si Trey. Hindi na rin siya matutulog kaya nagyaya na lang na maglakad lakad na lang daw kami. Kaya after niya mag cr, lumabas na kami ng room.

Yung simpleng lakad lang dapat sa dalampasigan ay nauwi sa isang seryosong usapan. Hanggang sa dumating na ang tungkol sa pagitan namin ni Liz.

I told Trey everything, and she patiently listened. Yung una, maayos pa ang pagkwento ko, pero later on, bumigay na ako. I cried to her, while sharing about Liz.

Shinare ko yung totoong feelings ko for Liz na naguguluhan talaga ako. Hanggang sa pagitan namin ni Nico. Lahat, ibinuhos ko kay Trey.

After kung mag share, parang naging magaan ang pakiramdam ko. Nagbahagi din naman siya ng saloobin niya, about Rex and mga nagpaparamdam sa kanya as of the present.

Halos ilang oras din ata kaming nagkwentuhan at naglabasan ng mga saloobin. Kaya siguro, nakaramdam kami ng gutom.

So we decided na lang na bumalik sa cottage para kumain na muna. And there, nakita namin si Ponggay na nakasalampak sa buhanginan.

While the rest of the team ay tumatawa lalo na si Maddie. Si Ponggay ay nakaupo pa din, paano nagasgas ang tuhod dahil nadapa.

As usual si Maddie na naman ka bangayan niya at ang buong team ayun nagpiyesta sa katangahan ni Ponggay.

But of course, isang tao kaagad ang kumuha ng atensiyon ko. It was Liz, tumatawa din siya pero alam mo yung pilit lang. Nakaupo lang siya sa isang gilid.

I am just observing her and nagtagpo pa ang tingin naming dalawa. Pero siya ang unang bumitaw at umiwas ng tingin. Sa hindi ko maintindihang dahilan, I just felt a bit of pain inside ng umiwas siya ng tingin.

Until I heard Ponggay explaining to her ate.

PONGS: "Nag-iingat naman po ako eh, sadyang nadapa lang talaga at nasaktan."

Kaya hindi ko napigilan ang sarili na huwag sumagot.

JHO: "Ganun naman talaga. Kahit anong ingat mo madadapa ka pa rin at masasaktan."

Hindi ko nga alam bakit bigla ako sumingit at binaggit ang mga katagang yun. Kaya tuloy, inasar ako ng teammates ko.

When I mentioned those words, napatingin ako sa direksiyon ni Liz. At hindi lumagpas sa akin ang ginawa niyang pag smirk.

Later on, narinig ko na lang na nagtanong si Ponggay sa akin.

PONGS: "So ate Jho, ano dapat gawin para hindi madapa at masaktan?"

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now