PART 71 - SPACE

628 12 1
                                    

Happy New Year everyone!!!

May you have a joyful and meaningful New Year ahead of you!!!

Enjoy reading...

-

----------------------------------------------------------

PONGS POV

I am happy, I thought hindi na kami makakapag-usap ulit after ng mga nangyari. I thought magkakalimutan na lang kami.

But then, that convo in the messenger happens. Hindi ko napigilan ang sarili na hindi magreply sa kanya. Good thing naging maganda naman ang kinalabasan.

Kahit may galit akong naramdaman sa kanya after what happened sa dorm, hindi ko maitatanggi na may gusto pa rin ako sa kanya.

Kaya nga ng makita kong nagmessage siya the other night, hindi ako mapakali bago ito buksan. Pero hindi ako nag reply agad sa kanya.

Pero ngayon ang haba nang naging pag-uusap namin sa chat. And some things were clarified at nabigyang linaw. Atleast ngayon bati na kaming dalawa.

Medyo mahaba ang naging pag-uusap naming dalawa. And bago natapos ang ay nagsend ako ng tatlong salita.

"I love you"

Sabay log out. At napatalon ako sa bed ng isend ang huling mensahe ko sa kanya. Bahala na siya kung anong isipin sa huling sinabi ko.

Hindi ko alam bakit ko naisip isend yun. Basta naisip ko na lang bigla kaya ayun sinend ko na sa kanya.

Sakto naman na pumasok sa loob ng room ang maganda kong kapatid. Pero syempre mas maganda ako sa kanya.

TREY: "Anyare sayo? Bakit ka talon ng talon na parang tipaklong?"

Salubong ang kilay niya ng tumingin sa akin.

PONGS: "Hehehehe. Wala."

Sabay upo ko sa gilid ng bed.

TREY: "Bumaba ka na dun, kanina ka pa tinatawag ni tita."

Pagtataray niya at naupo sa bed.

PONGS: "Oo na, eto na nga po bababa na."

Nilatag ko sa table ang phone ko at iniwan na siya sa room. Bumaba na ako at hinanap ang tita ko para alamin bakit niya ako tinatawag.

Naabutan ko siya sa kitchen at gusto lang pala magpapasama mag-grocery. Since wala naman akong gagawin, sinamahan ko na siya.

Mula ng dumating kami ng ate ko laging ako ang kasama ni tita kapag pupunta siya sa grocery store or may mga kailangan siyang bilhin. At pagdating sa kusina si Trey naman ang kasama niya.

Masaya naman dito sa states kaya lang syempre nakakamiss din ang mga kasamahan namin sa Pinas. Yung trainings, kulitan at kung ano anong mga trip lang.

Dito kasi ibang iba dun sa usual na activities namin sa Pilipinas. At times nakakabored buti na lang kahit papano ay nandiyan si ate Trey.

She has always been my comfort and strength in moments like these. Lagi niya ako kinakausap at pinapayuhan. Kaya mas nauunawaan ko ang mga bagay bagay.

Kagaya na lang sa sitwasyon namin ni Maddie. Ate Trey made me realized na there are things in life that we cannot control and just have to live with it.

Masakit tanggapin na mahal niya si Zoey, pero wala naman akong control sa mga taong mamahalin niya. Gustuhin ko mang mahalin niya ako, alam kong malabo na.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now