PART 8 - UTI

1K 25 14
                                    

MADDIE POV

Nasa dorm lang ako ngayon at sinamantala ang pagkakataon na gumawa ng projects and mga kailangang research. It's Friday kaya isa lang ang klase ko maghapon.

While I'm busy working on my paper works ay biglang nagtext ang twinnie ko.

TWINNIE: "Sorry to disturb you Twinnie, I know you are busy right now. Pero favor naman. Reply please."

MADDIE: "Sure, anything basta ikaw. Ano ba yun Twinnie?"

TWINNIE: "Please naman pakipuntahan ang kapatid ko, she needs someone right now. I cannot go there kasi in 5 minutes may exam na kami. Please twinnie puntahan mo, I'm worried about her. Si Deanna kasi may klase din."

"What! Bakit naman ako tinext nito at kapatid pa niya ang pupuntahan. Trey naman eh." (Bulong ng isip ko)

But I can sense from her text na it is really urgent. Never naman mang gagambala si Trey ng iba except nalang kung kailangan talaga at hindi siya pwede.

MADDIE: "Okay. No need to worry, pupuntahan ko siya now. Focus on your exam."

TWINNIE: "Thanks Twinnie, promise babawi ako sayo for this favor. Buti na lang talaga nandiyan ka. I'll send you the address kung nasaan siya."

After ilang segundo ay  tinext na niya yung address kaya umakyat ako sa room at nagpalit na nang damit. Then, kinuha ang wallet at phone ko bago lumabas ng dorm.

Nagtaxi na lang ako kasi wala naman akong car eh. Wala rin yung mga teammates ko na may car para sana  humiram  ako.

Pagdating sa lugar, hinanap ko agad kung nasaan ang kapatid ni twinnie. As I roam around, I saw a familiar figure sitting on a bench medyo natatakpan ng halaman.

Her face is covered by her two hands na nakatukod naman sa kanyang tuhod. It looks like she was crying.

I walk towards her and as I get nearer I can hear her sobs. She seems devastated.

"Anong nangyari dito? Bakit to umiiyak?"

If there is one person na hindi  ko pa nakitang umiyak or malungkot, it was Ponggay. She is always so bubbly na parang walang problems sa buhay. Para siyang batang laging  masaya at punong puno nang energy.

But now, she is the opposite of what I always saw her everyday. I never know, she has this side of softiness in her.

Nang matapat na ako sa kanya, hindi niya parin naramdaman ang presensiya ko.

"Gaano ba kalala ang pinagdadaanan nito? Bakit parang she was living in her own world right now and doesn't care sa paligid niya."

Kaya umupo na ako sa tabi niya and top her shoulder.

MADDIE: "Hey!"

Yun lang nasabi ko kasi di ko naman alam paano ko siya kakausapin. Ngayon lang kasi ako mag approach sa kaya na hindi ko siya babarahin.

Then, bigla siya umikot sa direksiyon ko paharap sa akin at niyakap ako. Then, tuluyan na siyang humagulhol.

Yumakap siya nang mahigpit and lean closer to me. Yung dalawang kamay niya sa likod ko sobrang higpit ang pagkakayakap niya.

Habang isiniksik yung mukha niya sa leeg ko. Actually nakikiliti ako, pinipigilan ko lang kasi humahagulhol siya. Kaya tiniis ko na lang.

Then, unti-unti ko itinaas ang kamay ko to hug her. And I caress her back and patted it to let her know I'm just here.

Hindi ko alam  kung gaano kami katagal sa ganong sitwasyon. Medyo basa narin yung balikat ko sa mga luha niya. Walang tigil ang iyak niya eh. So, I just let her, until she speaks.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum