PART 56 - CLOSE ENOUGH

712 12 4
                                    

JHO POV

Halos dalawang linggo na mula ng dumating si Liz sa dorm. At sa loob ng dalawang linggo, mabibilang mo ang conversation between the two of us.

It is either hi or hello. No more no less. I never thought na darating ang panahon, yung taong kilalang kilala mo at kilala ka ay maging isang stranger na lang. At masaklap hanggang tingin ka na lang sa kanya.

Madalas napapaisip ako, kung ano nga bang nangyari sa pagitan naming dalawa. Bakit humantong kami sa ganitong sitwasyon. Bakit umabot sa ganito ang lahat.

Pero sa kaiisip ko, at the end naiiwan parin akong mag-isa sa kawalan. Walang sagot, walang kasiguraduhan, walang assurance kung kelan matatapos.

Kaya madalas, pinipili ko na lang muna mapag-isa. At alam ko, nag-aala din sa akin ang mga teammates ko. Kaya lang, wala talaga ako sa mood makipag kagulo o pag-usapan ang lahat.

Just like now, mag-isa lang ako sa sala, may mga pasok din kasi sila. Actually dalawa lang kami ni Liz sa dorm. Pero nasa room siya ngayon at may kausap sa phone.

Kanina, iniwan ko siya sa taas may katawagan siya. At base sa narinig ko kanina, she mentioned the name JohnVic. So, yung guy nga na yun ang kausap niya.

Kaya bumaba na lang ako kaysa pakinggan pa ang landian nila. Ngingiti-ngiti pa kasi si Liz sa kausap sa phone.

I don't know kung anong meron sa kanila ng JohnVic guy. Nung magkausap pa kaming dalawa ni Liz noon wala naman siyang nabanggit na close silang dalawa.

Medyo nagulat nga ako na kasama niya si JohnVic sa aksidente. And with the way I see things right now, mukhang nililigawan siya nito.

I feel sucks because hindi niya ako maalala. I feel even sucks kasi wala na ang dating meron kami. And I feel worse kasi pinupormahan siya nung guy.

I don't know why I feel bad with the idea na nililigawan siya ni Johnvic. Kapag nakikita ko silang magkasama, ang sakit sa dibdib.

I was trying to recognize the feeling pero a part of me hindi ko mataggap. I am trying my best to deny it. Pero kahit anong gawin ko, sumisigaw ang katotohanan na what I feel right now is jealousy.

"Accept it Jhoanna. The more mong itinatanggi, the more ka lang nahihirapan. Tanggapin mo na ang katotohanan, hindi lang basta kaibigan si Liz. You feel something special for her, and admit it nagseselos ka kay JohnVic." (wika ng isip ko)

Matagal ko nang napapansin ang kakaibang feelings ko for Liz. Hindi ko lang talaga pinagtuunan ng pansin noon. Pero hindi ko naisip, na ganito na pala kalalim.

And as time passes by, mas the more kung nararamdaman na mas espesyal pa siya kaysa kay Nico. And I felt bad and frustrated kasi naguiguilty na ako for Nico.

Hindi rin nakakatulong ang madalas naming pagtatalo ni Nico. Bihira na rin kami lumabas for a date dala nga din ng security reason.

Kapag sa school naman, gusto niya lagi kami magkasama. Ang problema, mas gusto ko mapag-isa. Kaya kapag nagyayaya siya, lagi ko dinadahilan, mag-aaral ako.

Yung huli naming pag-uusap nagalit na siya. Nagsigawan na nga kaming dalawa sa field. Bigla na lang niya ako tinalikuran at umalis.

It has been three days na rin, na hindi kami nag-uusap after ng away na yun. Kaya ngayon mas pinili ko tumambay na lang sa dorm.

Nanunuod na lang ako ng palabas habang nagpapalipas ng oras. Then, nakita ko si Liz lumabas mula sa room at pababa na siya ng hagdan.

JHO: "Hi."

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now