PART 28 - SECOND CHANCE

851 20 11
                                    

BEA POV

Nasa training kaming lahat ngayon, except for one person si Jia. Wala pa rin siya since yesterday. I wanted to ask my teammates about her not being in the training, but I am afraid to do so.

I was hoping that they will talk somehow about her but they didn't. It seems like iniiwasan din nila na pag-usapan anything about me, Jia or Maddie. Baka kasi magkagulo na naman.

Natapos ang buong training namin na walang isang Jia Morado na dumating o nagpakita. Hanggang sa nag agahan na kaming lahat at nagsipasok na rin sa mga morning classes.

Si Maddie naman lagi ata akong iniiwasan at pilit nilalayuan. Ni hindi nga niya ako kinakausap or tingnan man lang. Kaya feeling ko ay galit siya sa akin.

Instead na magstay sa dorm, sa library na ako nagpalipas ng vacant time. Doon ako nag ubos ng oras kakabuklat ng libro pero walang naintindihan.

Nang mabagot na sa library, pumunta na ako sa canteen para kumain. Medyo nakaramdam na rin kasi ako nang gutom. Doon naabutan ko ang grupo ng mens basketball team 

Unang nakita kong nakatingin sa akin si Thirdy. Kumaway siya pagkakita sa akin.

THIRDY: "Bey, nag-iisa ka ata, asan mga ka teammates mo?"

BEA: "May mga klase pa sila."

ISAAC: "Come on join us. Isa pa dito na lang may bakante."

Medyo marami din kasi ang kumakain ngayon kaya dito lang sa kanila may bakante. Si wala akong ibang choice.

BEA: "Okay lang ba? Hindi ba ako makakaistorbo?"

ADRIAN: "Ikaw pa? Malakas ka sa amin."

ANTON: "Nako Adrian, yang mga hirit, gasgas na. Hahahaha."

Umusog si Thirdy para magkatabi kaming umupo. Kaya nilapag ko sa mesa ang pagkain ko at tumabi kay Thirdy. Nasa tapat ko naman si Isaac na nakangiti lang.

BEA: "Thanks."

ISAAC: "Kamusta ka na pala?"

BEA: "Okay naman. Just having a hard time remembering few things."

THIRD: "Just ask us if you need anything. We are willing to help you naman. Magsabi ka lang."

AARON: "Ikaw lang yun Thirds, huwag mo kami idamay. Hahaha."

MAT: "May sarili kaming buhay Thirds. Hahaha."

TYLER: "We're busy Thirds. We really are. Hahahaha."

Binato sila ni Thirdy ng tissue.

THIRD: "Huwag mo na lang pansinin mga abnormal yan. Kalalabas nga lang ng mental eh."

Pero tinawanan lang siya ng lahat. Nag nod na lang ako at hindi na pinatulan pa ang mga panunukso ng mga teammates niya.

Natapos ang kainan na puro mga kwentuhan, asaran at tawanan. Hindi naman ako nabored, puro kalokohan kasi sila.

After kumain, nagpaalam na ako para bumalik na ng dorm. Sila rin ay nagmamadali na ring umalis na at may mga klase pa raw sila.

Nagpumilit pa si Thirdy na ihatid ako sa dorm pero sabi ko sa kanya kaya ko na. Isa pa may klase siya at baka malate pa. Hindi na rin siya nangulit kaya umuwi ako mag isa.

Pagpasok ko sa dorm naabutan ko sa sala sina Jho at Liz na nagbabangayan. Silang dalawa lang ang nandun at nagtatalo.

JHO: "Nasisiraan ka na talaga Liz. Bakit ka makikipagkita dun sa ex mo? Sinaktan ka na niya before tapos ngayon magkikita kayo?!"

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now